DAHIL hindi na makapag-operate nang wagas sa Maynila at Malabon, dumayo sa Nueva Ecija ang siyam na miyembro ng Salisi Gang subalit agad din silang nalambat ng awtoridad sa Cabanatuan City.
Ang mga inaresto ay kinabibilangan ng tatlong lalaki at anim na babae na inakalang pawang mga residente roon subalit kinalaunan ay natuklasang galing pa ng Maynila at Malabon.
Sa blotter ng San Jose City Police, naaresto ang siyam sa Barangay Caanawan makaraang makatanggap ng ulat ang mga pulis hinggil sa pagnanakaw ng grupo sa bag ng isang biktima.
Ayon sa biktima, ang kaniyang bag ay naglalaman ng cellphone at P5,000.
Isa sa mga suspek ay nakuhanan ng ilegal na droga.
Ang siyam ay nakakulong na ngayon sa San Jose City police station. THONY ARCENAL
Comments are closed.