MATUTO SA MGA BATA, BIGYAN SILA NG HALAGA

tinig ng pastol logo

MAY  tinuturo sa atin ngayon si Jesus na madalas ay hindi na natin pinapansin, binabalewala at nakakalimutan na marahil. Subalit huwag masiraan ng loob dahil maaari pa rin natin buhayin, gawin at isakatuparan ngayon, as in ngayon na talaga! Pinupukaw ni Jesus ang ating kamalayan sa mga nangyayari sa ating paligid dahil ito ang pamamaraan Niya upang ituro ang bagay na nakalimutan, nabalewala at naisantabi natin sa buhay na napakahalaga. Maaari nitong sagutin ang malaking krisis na kinahaharap ng ating bayan, hindi bilang agarang solusyon kundi bilang pangmatagalang sistema na hindi parating binabago. Ito ay ang ating pagninilayan ngayon.

Hindi talaga tayo mauubusan ng problema sa buhay. Katambal na ito ng ating kalagayan. Wala nga itong pinipili at pinapaboran. Ang sabi ng iba pangmahirap lamang ang problema sa kabila na maging ang mga mayaman ay gayon din ang pinagdaraanan, may problema rin naman. Kaya naman, lahat tayo ay kabahagi at may kinalaman sa sitwasyong ating kinakaharap. Lahat tayo ay damay sa maling sistema kung lahat tayo ay may pinagdaraanang problema. Layunin nito ay hindi ibaba ang ating sarili, manisi o manirang-puri kundi sa ating nararanasan makakita tayo ng solusyon, nabubuksan at napagninilayan.

Batid ko kung minsan ang ating pinagdaraanan ay nagpapamahid sa atin, wari bagang wala nang kapag-a-pag-asa. Subalit hindi! Mayroon pa rin tayong magagawa. Hanggat hindi natin pinapansin at pinag-uukulan ng panahon, lakas at kayamanan ang ating sitwasyon at tanggapin ng buong-buo ang bawat pamantayang binubuno natin sa buhay wala pa ring mangyayari.

Bueno, ano ba talaga ang nais kong ipaabot sa bawat isa. Ang kahandaang tumalima sa mga bata at kabataan ngayon. Marami tayong plano sa kanila, magaganda ang plano natin sa kanila. Yun ngalang ang kalidad nito ay hindi sapat upang sila ay magtagumpay sa buhay. Sabihin man natin na malaki na ang ginugugol nating kayamanan sa kanila, sabihin na nating prayoridad natin sila, sabihin na nating sa pag-aaral at survey ay umaangat na sila. Subalit tayo bilang matatanda ang may malaking impluwensiya sa kanila. May pagkukulang tayo sa kanila. Hindi man natin madaling tanggapin ito, subalit hindi natin sila tanggap.

Bakit hindi natin sila tanggap? Dahil kung may malasakit tayo sa kanila, tayo mismo ang mabuting halimbawa sa kanila sa lahat ng aspeto ng buhay. Hindi tayo ang nagtutulak sa kanila upang sirain sa mura nilang edad ang kanilang kinabukasan. Ilan sa mga magulang ngayon ang pinipiling ang anak nila ang bumubuhay sa kanila habang sila ay nagpapasarap sa kanilang buhay dahil ayaw na nilang magbanat ng buto o dahil sa kanilang hindi maiwanang bisyo? Ilan sa mga matatanda ngayon ang pinipili silang abusuhin sa iba’t ibang pamamaraan? Ilan sa atin ngayon ang gumagawa ng paraan upang sila ay bigyan ng inspirayong mangarap, masikap at mag-aral? Ilan sa atin ngayon bilang matagumpay na sa buhay ang handang maglaan at magbahagi ng kayamanan para sa kanilang pagsasanay at paglinang ng talento, galing at talino?

Huwag man maghanap ng wala, pero maaari naman tayong magsimula. Paalala sa atin ni Jesus hangga’t hindi natin tanggap ang mga kabataan o mga bata na paglingkuran at ihanda sa hamon ng buhay hindi pa rin natin napalalalim sa ating buhay ang mga turo at halimbawa ni Jesus bilang paraan din naman ng pagtanggap natin sa Kanya. Isinasabuhay at naisasabuhay natin ang Kanyang turo at halimbawa kung tayo ay may pagmamalasakit sa mga aba, mahihina, nasa yugto ng pagsasanay tulad ng mga kabataan.

Sa kasalukuyan, maraming kabataan ngayon ang nagnanais ng kapayapaan, kasaganaan at pagkakaisa na kung saan sa mga pagpapahalagang ito mas nakikita nila ang katuparan ng kanilang minimithing pangarap. Sino ang pwedeng maghanda nito kundi tayong mga matatanda na. Malaki ang ambag natin sa kanilang pag-unlad. Kung tayo lamang ay magsasama at magtutulungan mangyayari ang lahat ng ito.

Huwag lamang sana tayong mawalan ng panahon at masiraan ng loob. Kaya naman, sa mga pagkilos na ito kung magsisimula na tayo ngayon pwede nating mabago hindi lamang ang ating pamilya, pamayanan, bayan, Simbahan kundi ang buong bansa.

Kapakumbabaan nating yakapin ang turo at halimbawa ni Jesus at sa pagtupad dito may mababago tayo sa buhay na ito. Amen.

229 thoughts on “MATUTO SA MGA BATA, BIGYAN SILA NG HALAGA”

  1. Best and news about drug. earch our drug database.
    ivermectin 90 mg
    Prescription Drug Information, Interactions & Side. Comprehensive side effect and adverse reaction information.

  2. Learn about the side effects, dosages, and interactions. All trends of medicament.
    clomid buy
    Prescription Drug Information, Interactions & Side. Get information now.

  3. Definitive journal of drugs and therapeutics. drug information and news for professionals and consumers. https://amoxicillins.com/ where to buy amoxicillin 500mg without prescription
    Definitive journal of drugs and therapeutics. Read information now.

  4. Everything what you want to know about pills. Comprehensive side effect and adverse reaction information.
    https://edonlinefast.com erection pills that work
    safe and effective drugs are available. Get warning information here.

  5. Read information now. drug information and news for professionals and consumers.
    https://canadianfast.com/# non prescription ed pills
    Some are medicines that help people when doctors prescribe. Definitive journal of drugs and therapeutics.

  6. Everything about medicine. Get information now.
    https://canadianfast.com/# pet antibiotics without vet prescription
    Some are medicines that help people when doctors prescribe. Prescription Drug Information, Interactions & Side.

  7. Learn about the side effects, dosages, and interactions. Prescription Drug Information, Interactions & Side.
    https://tadalafil1st.com/# cialis prices at walmart
    Learn about the side effects, dosages, and interactions. Top 100 Searched Drugs.

  8. Definitive journal of drugs and therapeutics. Everything about medicine.
    buy tadalafil 20mg uk
    Learn about the side effects, dosages, and interactions. Medicament prescribing information.

Comments are closed.