MATUTONG GUMAWA NG NATURAL NA SABONG PAMPALIGO AT PANGHILAMOS

Gumawa tayo ng homemade soap mula sa simple at natural na proseso. Pero paano ba? Ngayong araw na ito, matututo kayo.

Gumawa tayo ng homemade soap mula sa simple at natural na proseso. Pero paano ba? Ngayong araw na ito, matututo kayo.

Una nating dapat gawin ay kolektahin ang lahat ng ingredients sa paggawa ng sabon. Mind you, sabong pampaligo ito at hindi dishwashing soap, kaya medyo iba.

Kung tutuusin, simple lang ang soap ma­king. Pipiliin mo siyempre ang mga ingredients at fragrances na gusto mo at kailangan mo. Madali rin ang adjustments pero kailangan ng practice para ma-perfect. Kaila­ngan ding timbangin ang mga ingredients para mas maganda ang resulta. Pero may mas madaling paraan. Pwedeng gamitin ang mga measuring cups & spoons sa baking.

Hindi pwedeng mawala ang lye sa homemade soap. Laging gumamit ng 100% sodium hydroxide, o lye in crystal form. Huwag gumamit ng liquid lye dahil sasablay ang sukat, at magkakaroon ng metal bits sa sabon.

Mag-ingat sa lye. Pwede itong makasira sa inyong balat kaya magsuot ng gloves at eye protection. Kapag inihalo na ito sa tubig, uusok ito sandali. Huwag kalilimutan, ihalo ang lye sa tubig – hindi ang tubig sa lye. Kapag naihalo na, tuluy-tuloy lang ang paghalo sa iisang direksyon. Kapag humalo na ito sa langis, mawawala na ito ng tuluyan kaya hindi na ito makakaapekto sa balat. Ginagamit ang lye upang mabuo ang sabon. Kung tama ang pagkagawa, walang maiiwang lye sa finished product.

Sa mga kagamitan, tandaang kapag ginamit ito sa paggawa ng sabon, hindi na ito pwedeng gamitin sa pagluluto. Pwede rito ang stainless steel, tempered glass, at enamel bilang mixing bowls. Huwag gagamit ng copper o aluminum dahil masisira sila ng lye. Hindi rin pwede ang plastic.

Sa panghalo, gumamit ng wood o silicone. Sa hulmahan, kahit ano, pwede pero kung gusto ninyo ng mas maganda, may nabibili sa online

Kung gusto ninyong magdagdag ng herb, siguruhing tuyo ito. Pwede ang lavender, chamomile, love lemongrass, kahit pa aloe vera.Gumamit ng ¼ cup ng dried plant material sa bawat batch.

Syempre, pwede ring magdagdag ng essential oils at fragrance oils. Pagsamahin ang essential oil at fragrance oil at siguruhing 15-20 drops o isang kutsarita lamang ito sa bawat batch.

Mas gusto ko ang puting sabon, pero kung gusto ninyong kulayan, gumamit ng cinnamon o cocoa powder para sa brown soap, powdered chlorophyll para sa green, turmeric para sa yellow, at beetroot para sa orange. Pwede ring guma­mit ng magenta beet powder na nagiging yellowish-orange kapag humalo na sa sabon. Pwede rin ang food coloring pero hindi sila nagtatagal at humahawa pa sa balat kaya hindi ako gumagamit ng ganito.

By the way, pwede mga palang maghalo ng aloe vera gel, oatmeal, dry milk powder, clays, cornmeal, ground coffee, salt, at kahit ano pang gusto ninyo. Kape o oatmeal ang madalas kong ihalo sa      aking sabon dahil tingin ko, maganda ito sa balat. Besides, hindi na kailangang magdagdag ng kulay kapag kape ang inihalo dahil may natural color na ito.

Bago ang lahat,ilista muna natin ang mga Ingredients.

  • ⅔ cup unrefined coconut oil (to produce good lather)
  • ⅔ cup olive oil (which makes a hard and mild bar)
  • ⅔ cup almond oil (grapeseed, sunflower, or safflower oil will also work, just make sure it’s a liquid oil)
  • ¼ cup lye (100% sodium hydroxide … you can also find at local hardware stores)
  • ¾ cup cool water – use distilled or purified (find the best water purification systems here)

Instructions

Step 1

Ihanda ang working area na may nakalatag na lumang diario. Magsuot ng gloves at iba pang protective gear. Sukatin ang tubig sa quart canning jar. Ihanda ang measuring spoon. Ihanda ang lye, at siguruhing eksaktong ¼ cup lang ito. Dahan-dahang isalin ang lye sa tubig habang hinahalo. Tumayo para hindi malanghap ang usok. Kapag malinaw na ang tubig, pwede nang huminto sa paghalo.

Step 2

Sa pint jar, ihalo ang mga langis. Aabot ito sa isang pint kapag napaghalo-halo na. Initin sa microwave ng isang minuto o kaya naman ay initin sa double boiler. Dapat ay 120° ito pati na ang lye. Hintaying luma­mig sa pagitan ng 95° at 105°. Mahalaga ito sa soap making. Kung mas­yadong malamig, madali itong mabubuo at magiging magaspang.

Step 3

Kapag tama na ang temperature ng lye at oils, isalin ang oils sa mixing bowl. Dahan-dahang ihalo ang lye, habang hinahalo hanggang magsama silang mabuti. Haluin ng limang minuto. Huwag hayaang dumikit ang lye sa balat. Pagkaraan ng 5 minuto, makikitang magmumuka itong vanilla pudding.

Step 4

Ihalo ang herbs, essential oils at iba pang gustoninyong ihalo. Ipag­patuloy ang paghalo ng limang minuto pa. Isalin na sa mga hulmahan at takpan ng plastic wrap. Patungan ng lumang tuwalya upang hindi makawala ang residual heat at magsimula na ang saponification process. Ang saponification ay proseso ng base ingredients para maging sabon.

Step 5

Matapos ang 24 na oras, i-check ang inyong sabon. Kung mainit pa, ibalik ang takip at bukas na uli buksan. Kapag malamig na, ilagay sa baking rack. Gamit ang loaf pan bilang molde, hatiin ang mga bars sa sukat na gusto ninyo. Hayaang mag-cure ng apat na linggo. Baligtarin minsan isang linggo.

Step 6

Kapag fully cured na, balutin sa wax paper o ilagay sa airtight container.  – SHANIA KATRINA MARTIN