Kinikilala ni Department of Trade and Industry (DTI) ang maunlad na automotive industry sa bansa bilang isa sa mga tagataguyod ng pambansang ekonomiya.
Ayon kay DTI Secretary Fred Pascual, anim na dekada nang tumutulong ang Mitsubishi Motors Philippines Corporation (MMPC) na magbigay ng trabaho sa mga Filipino.
Dagdag pa niya, malaking tulong ito sap ag-unlad ng bansa.
Itinatag sa Cainta, Rizal noong 1963 at inilipat sa Santa Rosa, Laguna kalaunan, kiinikilala ang MMPC na isa sa longest-operating automotive company sa bansa.
Naging aktibo ang MMPC sa mga major initiatives tulad ng Motor Vehicle Development Program at Comprehensive Automotive Resurgence Strategy na nagpalaganap ng local production at employment opportunities.
Nakadagdag din ang kumpanya sa industrial development bg bansa sa tulong ng mga Mitsubishi models tulad ng L300, Lancer, at Montero, na sumusuporta sa logistics operations ng maraming Filipino enterprises.
Samantala, sa panahon ng turnover ceremony, kinilala ni Pascual ang papalitang MMPC president na si Takeshi Hara, at binati naman ang papalit ditong si Ritsu Imaeda na tatayong presidente at CEO.
Layon ng bagong paunuan ng MMPC na tumugon sa plano ng pamahalaan na bawasan ang reliance sa imported oil at pagbutihin ang kapaligiran sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga industry players sa Electric Vehicle Industry Development Act.
Ang nasabing efforts ay naaayon sa bisyon ni Pres. Marcos Jr. na magkaroon ng competitive and technologically advanced automotive industry.
The event also underscored the robust economic ties and cultural exchange between the Philippines and Japan, exemplifying a strong partnership that has brought substantial economic benefits and technological advancements to both nations. NLVN