IPINAGMALAKI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang maunlad na ekonomiya ng bansa at maraming negosyo ang mahalagang kontribusyon ng Pilipinas sa Indo-Pacific region.
“I am proud to share that our economic achievements have been outstanding. [In 2023], the Philippines’ 5.5 [percent] GDP growth surpassed major economies in Asia based on the latest available data,” pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa 6th Indo-Pacific Business Forum sa Taguig City.
“Foreign direct investments continue to flow in, with four consecutive months of expansion.
Our investment pledges have also soared, reflecting a healthy pipeline of inward FDI,” giit ng Punong Ehekutibo.
“Patuloy ang pagpasok ng foreign direct investments, kasabay ng apat na buwang magkakasunod ng pag-expand.
Ang mga pangakong pamumuhunan ay tumaas din, kung saan makikita ang malagong pagpasok ng FDI,” sabi pa ng Pangulo.
Paliwanag pa ng Pangulo na ang mga katuwang na bansa sa Indo-Pacific Economic Framework (IPEF) ay may mahalagang gampanin sa malagong ekonomiya ng Pilipinas dahil direktang nakatulong ito sa FDI at iba pang aprubadong pamumuhunan.
Dahil sa malakas na ekonomiya ng bansa, target ng administrasyong Marcos na gawing regional hub ang Pilipinas para sa mas matatag na pagmamanupaktura at serbisyo .
Binigyang-diin pa ng Pangulo na ang pakikiisa ng bansa sa forum ay upang higit na mapalakas ang relasyon sa mga kasapi sa rehiyon at mas mapalalim pa ang ugnayang ekonomiya tulad ng pangangalaga sa mga empleyado o trabahador, inclusivity, matatag at may makabuluhang economic activity sa lahat ng bansa.
Ang naturang pagpupulong aniya ay magbibigay pagkakataon sa bansa na maibahagi ang mga oportunidad na mamuhunan ang ibang bansa, ipangalandakan ang magandang ekonomiya maging ang mga kasalukyang development projects na magpapatunay na may karapatan ang Pilipinas na manguna sa Indo-Pacific region.
“As the Philippines occupies a strategic position in the Indo-Pacific, we are leveraging our strategic geopolitical location, economic engagements, and participation in regional agreements,” saad ng Pangulo.
“With this region accounting for over one-third of global economic activity, this presents immense opportunities for our nation,” dagdag pa ng Presidente.
Ang 14 na bansa na kasapi sa IPEF ay umaasang magkakaroon ng maayos na pagtahak tungo sa matatag at malagong ekonomiya sa hinaharap.
Kasama sa mga tinalakay ay ang clean energy, digital transformation, supply chain resilience, impraestruktura, at teknolohiya.
EVELYN QUIROZ