MAVS HINIYA ANG LAKERS

SINANDIGAN ni Quentin Grimes ang injury-hit Dallas Mavericks sa 118-97 panalo laban kay LeBron James at sa Los Angeles Lakers upang putulin ang five-game NBA losing streak.

Umiskor si Grimes ng 23 points mula sa bench, kumalawit ng 9 rebounds, at isinalpak ang anim sa 18 three-pointers ng Mavericks.

Ang Dallas, ang Western Conference champions noong nakaraang season, ay 1-5 magmula nang lumiban si Luka Doncic dahil sa calf strain noong Christmas Day. Wala pa rin ang Slovenian star, inanunsiyo ng koponan noong Lunes ang pag-sideline kay Kyrie Irving dahil sa lower back sprain.

Naghahabol sa anim na puntos sa second quarter, tinapos ng Mavs ang first half sa 11-0 scoring run upang kunin ang 55-50 lead at hindi kailanman nalamangan sa second half.

Kumamada si Anthony Davis ng 21 points at 12 rebounds para sa Lakers habang nagdagdag si James ng 18 points, 10 boards at 8 assists.

Subalit na-outrebound ng Dallas ang Lakers, 44-33, at may 11 offensive rebounds ay nagtala ng 15 second-chance points laban sa pito ng Lakers.

Umiskor si P.J. Washington ng 22 points, nag-ambag si Spencer Dinwiddie ng 19 at kumabig su Klay Thompson ng 13 para sa Dallas, na pinatalsik ang Lakers mula sa fifth place sa Western Conference.

“We knew we had to get back on track,” pahayag ni Grimes sa broadcaster TNT. “Came out with the right mindset after dropping five in a row, so good to get back on track.”

Sinabi ni Lakers coach JJ Redick na ang kawalan ng kakayahan ng kanyang tropa na dumipensa sa perimeter ang susi sa kanilang pagkatalo.

“In terms of the energy, It felt like we played a little tired tonight,” aniya. “When you’re on the road and the other team is banging threes it can be a little deflating to the overall energy.”

Sa New Orleans, tumirada si Anthony Edwards ng 32 points at 9 rebounds upang pangunahan ang Minnesota Timberwolves sa 104-97 panalo kontra Pelicans, at sirain ang pagbabalik ni Pels star Zion Williamson mula sa two-month injury absence.

Nagposte si Williamson ng 22 points, 6 rebounds, 4 assists, at 3 steals. Nagbida si Dejounte Murray para sa New Orleans na may 29 points, subalit malamig ang gabi ni CJ McCollum nang gumawa lamang ng 5 points saone-for-14 shooting.

Sa Charlotte, pinutol ng Hornets ang kanilang 10-game losing streak sa 115-104 victory kontra Phoenix Suns.

Nagtala si LaMelo Ball ng 32 points at 10 rebounds at nakakolekta si Miles Bridges ng 21 points para sa Hornets, na na-outscore
ang Suns, 37-17, sa second quarter upang kontrolin ang laro.

Gumawa si Devin Booker ng 39 points at nagbigay ng 10 assists, habang tumabo si Kevin Durant ng 26 points para sa Phoenix, na natalo sa lima sa kanilang huling anim na laro.