UMISKOR sina Tim Hardaway, Jr. at Maxi Kleber ng tig-14 points mula sa bench, at nagdagdag si Kristaps Porzingis ng 10 points at 14 rebounds upang pangunahan ang bumibisitang Dallas laban sa Denver, 109-106.
Nalimitahan si Luka Doncic sa 12 points subalit siyam na Mavericks players ang nagtala ng double figures sa pagpapalasap sa Nuggets ng kanilang unang kabiguan sa season.
Tumipa si Paul Millsap ng 23 points at 8 rebounds, gumawa si Will Barton ng 19 points at 11 boards, at nakalikom si Nikola Jokic ng 10 points, 10 rebounds at 10 assists para sa Denver. Kumana sina Jamal Murray at Gary Harris ng tig-16 points para sa Nuggets.
Lakers 120, Grizzlies 91
Nagbuhos si Anthony Davis ng 40 points at humugot ng 20 rebounds sa loob ng 31 minuto, at naging sandigan ng host Los Angeles ang third-quarter burst upang pataubin ang Memphis para sa kanilang ikatlong sunod na panalo.
Nagtala si Davis ng franchise record para sa naipasok na free throws sa pagsalpak ng 26 of 27 attempts, kung saan 18 ang kanyang naipasok sa third quarter upang sindihan ang 22-0 run. Hindi nakaiskor ang Memphis sa huling 5:47 ng third quarter.
Tumapos si LeBron James na may 23 points at 8 assists para sa Lakers. Umiskor si rookie point guard Ja Morant ng 16 points at nag-ambag si Jonas Valanciunas ng 14 points at 11 rebounds para sa Grizzlies.
HEAT 112, HAWKS 97
Sa larong tinampukan ng injury ni star Atlanta point guard Trae Young, ginapi ng Miami Heat at ni Jimmy Butler ang bumibisitang Hawks.
Nanguna si Atlanta’s John Collins sa lahat ng scorers na may 30 points. Naitala ni Miami rookie Tyler Herro ang 19 sa kanyang 29 points sa second quarter, at nagdagdag si Butler — nasa kanyang debut sa Heat – ng 21 points. Tumipa rin si Goran Dragic ng 21 points para sa Miami.
Na-injure ni Young, sumalang sa laro na ranked second sa NBA sa scoring (34 points per game) at tumabla sa fifth sa assists (9.0), ang kanyang right ankle, may 9:57 ang nalalabi sa second quarter at hindi na bumalik.
Comments are closed.