AYON kay Max Collins, may pagbabago na raw sa kanya ngayon matapos na magpakasal kay Pancho Magno.
May mga bagay na raw na hindi niya puwedeng gawin dahil pinagbawalan na siya ni Pancho.
“Meron siyang mga bawal siyempre. Conservative kasi `yon. At saka vocal naman siya. Sabi niya, basta iwasan mo lang ang mga sexy role. Depende naman talaga sa role, sa story kung kailangan ba talaga.
“Bawal na ang physical contact sa partner, love scenes. Well, hindi naman ako nagla-love scene. Hanggang smack lang ako. Pagdating naman sa mga sexy pictorial ay mas lenient na raw si Max, kasi raw ginagawa rin naman daw ‘yun ni Pancho.
Basta ang bawal na bawal at hindi niya puwedeng gawin ngayon ay makipaglampungan sa kapartner. Respeto na rin raw yun sa kanila bilang mag-asawa.
Puwede raw kung insinuated lang, tulad daw kunwari after. Huwag daw ‘yung may physical contact talaga.
Aware rin si Max na mukhang bad boy si Pancho pero sa tunay na buhay ay good boy daw ito at conservative pa.
Pagdating naman sa kanyang pananamit ay hindi naman daw sobrang higpit to the point na may pinagbabawal siya. Mas ma-higpit nga raw si Pancho noon kumpara ngayon. Saka nag-mature na rin raw si Max as a person. Ayaw na rin daw niya magsuot na masyadong revealing outfit.
Tinanong si Max kung okey lang sa kanya na maghubad si Pancho. Rumarampa na naka-brief lang sa isang fashion show sa harap ng libo-libong tao?
Okey lang daw kay Max, basta huwag lang daw ‘yung totally naked na rumarampa si Pancho. Katuwiran pa ni Max ay lalaki naman si Pancho .
PAOLO BALLESTEROS AT KIM DOMINGO
NAGLULUKSA SA PAGKAMATAY NG ALAGA
PAREHONG malungkot at sugatan ang mga puso nina Paolo Ballesteros at Kim Domingo. Nagluluksa ang damdamin ng dalawa dahil sa pagkamatay ng kanilang alagang hayop.
Sa Instagram wall ni Paolo ay makikita ang alagang pusa na nakapikit na may title caption na “Good night Forever Sam…”
Bago pa ito may nauna pang posting si Paolo, isang video na lumalapit sa kanya ang alagang pusa at hinihimas niya ito. May tit-ulo pa itong “Babay Sam,” mensahe ng kanyang pamamaalam.
At sa caption , pinasalamatan niya ang alagang pusa sa pagdamay sa kanyang kalungkutan noong buhay pa ito.
“Thank you sa pagtabi mo saken matulog for the past month, when I was lonely… I love you Sammy,” say pa ni Paolo.
Sa video posting naman ni Kim Domingo sa kanyang Instagram ang kalungkutan dahil sa pagyao ng kanyang alagang aso na si Kyuti. Sa kuwento ni Kim sa message caption ay inampon at ipinagamot niya ang aso mula sa dati nitong amo.
Pero sadly, hindi ito nagtagal dahil nanamlay na uli ito sa pagkain at kanyang natuklasan na may tumor pala ito sa utak kaya binawian ng buhay.
Mabuti na lang nandiyan ang Bubble Gang na nagpapasaya kay Kim every Friday evening sa GMA 7 na nakapagre-relax at napapasaya ng mga kasamahan sa pagpapatawa sa mga tagasubaybay ng longest-running gag show sa telebisyon.
Comments are closed.