MAGTU-TWO years nang kasal sina Pancho Magno at Max Collins, kaya madalas ang topic ng interview kay Max, kung kailan naman sila magkaka-baby. At madalas ang sagot ni Max, naghahanda pa sila, hindi pa sila ready ni Pancho, gus-to muna nilang magkaroon ng sariling bahay.
Pero, ngayon iba na ang sagot ni Max since nagsimula siyang mag-taping ng bago niyang Afternoon Prime drama series na “Bihag” bilang si Jessie at may anak siya, si Ethan played by the six-year old child actor Rafael Landicho. Dito na lumabas ang tunay na dahilan ni Max bakit ayaw pa niyang magka-anak.
“A different experience ang naramdaman ko simula pa nang mag-taping kami,” kuwento ni Max after the mediacon. “Mahirap sa akin ang role dahil wala pa akong anak, pero very fulfilling kasi hindi ko mai-compare ang love ng isang nanay para sa isang anak, iba talaga siya. Kapag nakikita ko si Ethan sa eksena namin, ini-imagine kong anak ko siya talaga. May learning disability siya kaya lalo ko siyang iniingatan. Ang hirap pala ng feeling na paano kung may mangyari sa kanya, at tulad sa story, mawawala siya, mawawalay sa akin. Doon ko naisip na ayaw kong magkaanak.”
Inamin ni Max na nadadala niya ang character niya sa bahay, na minsan ay pinagtatalunan nila ni Pancho.
“Pagdating ko po kasi ng bahay, nakasimangot ako, mainit ang ulo ko kaya lagi akong tinatanong ng husband ko, ano raw ang problema ko. Kaya ini-explain ko na lamang kay Pancho na hayaan muna niya ako, nadadala ko iyong character ni Jessie na laging natataranta. Tapusin ko muna itong soap ko at pagkatapos balik ako sa normal.”
Pero may maganda ring effect kay Max ang pagiging ina niya kay Ethan.
“Bago kami nag-start ng taping, nag-research muna ako tungkol sa motherhood at nag-spend ako ng time sa mga friend ko na nanay na. Iyon ang parang naging training ko para mahalin ko iyong character bilang asawa at ina. Natutunan ko kung paano humawak ng bata, at napi-feel ko nang masarap magkaroon ng anak.
Sa ngayon, pareho kaming may project ni Pancho, magsisimula na ako today, Monday, April 1, may world premiere na kami ng “Bihag,” after ng “Dragon Lady” at 3:15 PM, may sisimulan ding project si Pancho, then after, may plano pa kaming mag-travel na matagal nang naka-schedule. Kaya siguro, next year, ang pagkakaroon na ng baby namin ni Pancho ang paghahandaan namin.”
ALDEN RICHARDS TINAPOS ANG LENTEN SPECIAL BAGO MAGTUNGO SA HONG KONG
NOONG Sunday, March 31, muling napanood si Alden Richards sa 100th episode ng “Daig Kayo Ng Lola Ko.” Muling ginam-panan ni Alden ang role ni Pinoy Sta. Claus sa “DKNLK: The Enchanged Queendom” pagkatapos ng “Amazing Earth.”
Kahapon, nagpunta naman si Alden sa Davao at GenSan para sa taping ng “Eat Bulaga” Lenten Special. Makakasama niya sa cast sina Joey de Leon, Wally Peralta, Pia Guanio, Ryan Agoncillo at ang baeby ng Gen San si Baste.
Natapos na ring mag-taping si Alden ng APT Lenten Special for Holy Saturday, na dinirek ni Mike Tuviera.
Second week of April naman naka-schedule nang umalis sina Alden at Kathryn Bernardo para sa shooting nila ng untitled movie pa nila na kukunan ang kabuuan sa Hong Kong. Sabi’y pina-aral din ng Chinese language si Alden para sa movie.
Comments are closed.