MAX COLLINS SOBRA ANG PASASALAMAT KAY GABBY EIGENMANN

SOBRANG nagpapasalamat si Max Collins kay Gabby Eigenmann, dahil ito ang naging tulay parathe point makuha niya ang plum role ni Mandy sa pelikulang “Citizen Jake”.

“Siya kasi ang nag-advise sa akin na mag-audition ako. Kung hindi siguro dahil doon, hindi ako maka-cast,” sey ni Max.

Sobrang honored din ang Kapuso actress na  maidirek ng isang Mike de Leon. Ito raw ay isang bagay na hindi niya malilimutan sa tanang buhay niya.

“Flattered ako kasi, he’s a legendary director and not everyone is given the chance to work with him, so thankful ako dahil nabigyan ako ng opportunity,” sabi niya.

Kumpara raw sa mga naririnig o nababalitaan niya, hindi raw naman ‘terror’ na director si Direk Mike.

“He’s so humble considering iyong status niya sa industry. He’s very humble. Sobrang bait. He has a lot of wisdom to share,” pahayag niya.

Aminado naman siyang noong una, kinabahan siya sa pakikipagtrabaho kay Direk Mike.

“Noong una, takot na takot ako. Kasi, hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko. Baka mapagalitan ako,” ani Max. “Pero, nalaman ko, ang gaan niyang katrabaho. Very sensitive siya sa feeling ng artista,” dugtong niya.

Hindi naman niya ikinaila na metikoloso bilang director si Direk Mike.

“Siya mismo iyong nag-interior sa buong set.  Bawal ding pumasok iyong  mga kasama sa set, so mapi-feel mo talaga na nasa situation ka, na nasa scene ka. Masaya kasi never ko pa siyang na-experience,” bulalas niya.

Masaya rin si Max dahil napabilib niya ang nasabing director na puring-puri ang kanyang performance bilang Mandy, ang kasintahan ni Jake, (Atom Araullo) sa pelikula.

“Actually, it’s a collaborative effort. Hindi lang naman ako ang nag-effort dito kundi lahat from the actors to the crew. Kaya rin siguro naging smooth-sailing ang shoot namin dahil suportado kami ng competent crew,” sabi niya.

Happy naman si Max sa piling ng kanyang esposong si Pancho Magno.

Hindi raw ito nanghihimasok sa kanyang career lalo pa’t alam nitong lab niya ang pag-aartista.

“My husband is very supportive of me. Siguro, it pays na pareho kaming nasa showbiz kaya alam namin kung paano susuportahan ang bawat isa,” deklara niya.

Si Max ay nasa cast ng katatapos na TV series na  “The One That Got Away”, ang Kapuso teleseryeng pinagbibidahan din nina Dennis Trillo, Rhian Ramos, Lovi Poe.

MARTIN ESCUDERO MULING MAGBIBIDA

MARTIN ESCUDEROBALIK sa pagbibida ang magaling na actor na si Martin Escudero sa pelikulang “Ang Misyon” (A Marawi Siege Story) na ginawa para alalahanin ang makasaysayan subalit kalunos-lunos na Marawi Siege sa Mindanao.

Aminado si Martin na na-miss niya ang pagbibida.

Matatandaang gumawa ng pangalan noon si Martin sa “Zombadings: Patayin sa Syokot si Remington” na isang smash hit.

Na-identify siya sa gay roles kaya naman laking pasasalamat niya na hombre ang kanyang role sa “Ang Misyon”.

Proud din siya na ma­kagawa ng pelikulang may misyon o adbokasiya na alay sa mga biktima at mga naulila ng Marawi siege.

Comments are closed.