Kung maliit lamang ang bahay mo, hindi ibig sabihin nitong iko-compromise mo na ang style o functionality. Kung tama ang iyong approach at mayroon kang tinatawag na touch of creativity, kahit sikip magagawa mong chic at comfortable ang iyong tahanan. Kahit pa tiny studio apartment lang iyan, kaya mong ma-maximize ang potensyal ng maliit na silid.
Isa sa pinakaepektibong paraan para magmukhang malaki ang maliit na space ay ang paggamit sa vertical plane.
Gamitin ang wall space. Magkabit ng floating shelves hindi lamang para sa additional storage kundi para na rin ma-focus sa iba ang mata.
Gumamit ng furniture’s na pwedeng ikabit sa dingdong tulad ng desks o dining tables na natitiklop kapag hindi ginagamit.
Gumamit din ng furnitures na mataas, hindi malapad. Para ma-maximize ang floor space.
Pag makipot ang space, dapat stylish at functional din ang furniture’s.
Perfect ang Sofa Beds at Daybeds sa studio apartments, para tipid space.
Gumamit din ng mga Storage Ottomans. Yung multi-function — pwedeng upuan, footstool, o coffee table—may added benefit pa ng hidden storage.
Okay din ang expandable tables. Pag ordinary day, maliit lang, pero pwedeng i-expand kung may visitation.
Malaking tulong din ang mirrors at iba pang reflective surfaces na makalilikha ng optical illusion, para magmukhang malaki ang space.
Okay rin ang salamin sa dingding dahil nadodoble nito ang visual depth ng silid.
Subukan din ang Glass and Lucit. Nakababawas ito ng visual clutter.
Makaking tulong din ang kulay ng dingding at furniture, ganoon din ang accessories.
Pag lighter colors, mas nagre-reflect ng liwanag kaya mas mukhang malaki ang spaces. I suggest monochromatic color scheme.
Good lighting is essential in making a small space feel larger and more inviting.
Yung ilaw, mas maganda kung natural light lang sa araw, at daylight bulbs naman sa gabi. Huwag ding kalilimutan ang kurtina para may privacy. Gumamit ng mga salamin para ma-amplify ang natural light.
Dahil maliit ang space, magbawas ka rin ng gamit. Itira lang ang importante para hindi magulo.
Gumamit ng over-the-door organizers at hanging baskets.
Pero huwag kalilimutang i-personalize ang bahay mo — aba, bahay mo yan! Choose one or two statement pieces na magpapakilala ng iyong style, pero hindi makabibigat sa space saving. Halimbawa, mahilig ka sa halaman, gawa ka vertical garden.
Yung akin naman ay suggestion lang. Kung mas comfortable kayo sa tinatawag na organized, it’s your choice.
Nenet Villafania