MAXINE MEDINA HINDI MAGPAPASEKSI SA PELIKULA

HINDING-hindi siya magpapaseksi sa pelikula, ito ang pangako ni Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina. Aniya, okay na ang maging komedyante na lamang siya o kahit supporting roles lang tulad ng kanytang ama at mga kapatid.

Umaasa siyang mabibigyan siya ng mga proyektong kagaya ng Karinderya Queens kaya ipauubaya na siya sa iba pang Binibining Pilipinas beauties na sina Bb. Pilipinas Tourism 2013 Cindy  Miranda at Miss International 2016 Kyliie Versoza ag nga sexy roles.

Konserbatibo raw kasi ang mga magulang niya kaya hindi talaga siya papayagan sa mga sexy roles. Hindi naman daw sa nakikialam ang mga ito sa desisyon niya, ngunit nirerespeto niya ang mga ito lalo na ang kanyang ama. Besides, hindi rin umano siya handa sa pagpapakita ng katawan.

Okay lang umano ang swimsuit, pero hindi na hihigit doon, paliwanag ni Maxine.. – KAYE NEBRE MARTIN