(May 2 nang naitalang patay) PNP, IATF, NTF UMAKSYON VS COVID-19 DELTA VARIANT

NGAYON na may dalawa nang naitalang namatay dahil sa COVID-19 Delta variant (B.1.617), nagbabala na rin si Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Elea­zar, dating joint anti covid task force commander na mas maging maingat dahil sa kumpirmado nang may ilang kaso ng Delta variant sa Filipinas.

“The detection of the Delta variant in the country serves as a warning to all of us against complacency,” ani Eleazar kasunod ng pahayag na mas paiigtingin ng kapulisan ang kanilang mandato na ipatupad ang health and safety protocols na inilatag ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

“Nakita na natin ang epekto nito sa India at ito ngayon ay seryosong banta sa kapitbahay na­ting bansa na Indonesia. Again, the success and failure of our efforts to prevent the spread of this more transmissible and more deadly variant is on our hands: by strictly observing the tried-and-tested observance of the minimum public health safety protocol,”aniya.

Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 16 na kaso ng Delta variant kabilang na ang limang balikba­yang overseas Filipinos (ROFs) at 11 lokal na kaso na sa kabuuan ay sumampa na sa 35.
Samantala, ibinalik sa Enhanced Community Quarantine ang ilang lugar sa bansa upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19 kabilang dito ang probinsiya ng Iloilo gayundin ang mga lungsod ng Cagayan de Oro, Iloilo at Ginoog hanggang Hulyo 31.

“Sa panig ng PNP, patuloy kaming nakikipag-ugnayan sa IATF (Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases) at sa NTF (National Task Force) Against COVID-19 upang i-review kung ano ang dapat i-review, at palakasin pa kung ano ang mga dapat pang palakasin sa aspeto ng pagpapatupad ng mga alituntunin para sa kaligtasan nating lahat,”diin ni Eleazar.

Inatasan na rin nito ang mga pulis na tumatao sa mga quarantine control points na maging mapagmatyag at higpitan ang seguridad para makatulong mapababa ang pagkalat ng coronavirus at ng mga variant nito. VERLIN RUIZ

56 thoughts on “(May 2 nang naitalang patay) PNP, IATF, NTF UMAKSYON VS COVID-19 DELTA VARIANT”

  1. 556436 754046Aw, this really is an extremely nice post. In thought I would like to put in place writing like this moreover – spending time and actual effort to create a great article but exactly what do I say I procrastinate alot by way of no indicates appear to get something accomplished. 378442

  2. 216875 369159Delighted for you to discovered this internet site write-up, My group is shopping much more often than not regarding this. This can be at this moment surely what I are already seeking and I own book-marked this specific web site online far too, Ill often be maintain returning soon enough to appear at on your distinctive weblog post. 189302

Comments are closed.