MAY-ARI NG MAINGAY NA SASAKYAN KAKASUHAN

BAWAL na ang mga maiingay na sasakyan sa Maynila na gumagamit ng tambutso na nakakabulahaw sa katahimikan ng barangay lalo na sa mga dumadalo sa online class at nagtatrabaho sa loob ng kanilang tahanan.

Ito ang naging direktiba ng pamahalaang lokal kay Manila Traffic and Parking Bureau chief Dennis Viaje at Manila Police District Director Gen. Leo Francisco na tiyaking maipatupad ang bagong pasang ordinansa na hindi lamang nagbabawal sa paggamit ng sasakyang may modified muffler na bumubuga ng labis na      ingay, kundi parurusahan pa ang mga may-ari nito.

Ibinigay ang kautusan matapos na pirmahan bilang batas ang Ordinance 8772 na iprinisinta ng Manila City Council, kung saan inatasan si Manila Barangay Bureau Director Romeo Bagay na ipakalat ang nasabing ordinansa na tinawag na ”Motor Vehicle

Modified Muffler Noise Regulation Ordinance of the City of Manila”, sa lahat ng pinuno ng may 896 barangay sa lungsod para sa maayos na pagpapatupad.

Samantalang, ang MTPB at MPD ay naatasan naman na mag-report, manghuli at magmintina ng mga record ng mga lalabag at itatala kung ilang ulit ng lumabag sa nasabing ordinansa ang mga nahuhuli; kokolekta at mag-iingat ng lahat ng kopya ng mga Ordinance Violation Receipts (OVRs) na inisyu ng authorized enforcement officers at mga kinumpiskang driver’s licenses at isasauli rin sa may ari kapag nasunod na ang mga kondisyong itinatakda ng ordinansa; mag-accredit ng official motor vehicle repair shops na siyang magkukumpuni ng mga sasakyan ng mga nahuling lumabag at makipag-ugnayan sa  Land Transportation Office (LTO) para sa maayos na pagpapatupad ng nasabing ordinansa.

Ang mga barangay naman ay magsisilbi bilang katulong na puwer­sa upang epektibong maipatupad ang ordinansa sa lugar na mga sakop nila sa pagmamagitan ng pagre-report sa mga lala-bag sa MPD o MTPB.

Maaaring kumpiskahin ng enforcers na duly-deputized ang driver’s license ng mga lalabag at mag-iisyu ito ng OVR na magsisilbing temporary driver’s license sa loob ng limang araw simula ng araw na inisyu ito. VERLIN RUIZ

5 thoughts on “MAY-ARI NG MAINGAY NA SASAKYAN KAKASUHAN”

  1. 897469 77913Correct wow messages are bound to show your and supply memorialize the speacial couple. Beginner sound system to high in volume crowds should always take a appear at all with the wonderful value behind presenting and public speaking, which is to be someones truck. best man speeches brother 544414

  2. 965046 209517Cause thats required valuable affiliate business rules to get you started on participating in circumstances appropriate for your incredible web-based business concern. Inernet marketing 918843

  3. 501292 489597I enjoyed reading your pleasant site. I see you offer priceless information. stumbled into this website by chance but Im confident glad I clicked on that link. You definitely answered all of the questions Ive been dying to answer for some time now. Will definitely come back for more of this. 296690

Leave a Reply

Your email address will not be published.