MAY BIYAYA ANG MASUNURIN

NOON hanggang ngayon at anumang panahon ng kuwento, ang mga masunurin ay lamang ang natatanggap na favors o biyaya kaysa mga tampalasan at matitigas ang ulo.

Kaya nga ang pagsunod sa nakakatanda, may alam at awtoridad ay kagandahang asal na kahalintulad sa akademya ng militar.

Disiplina at pagsunod na simbolo ng tiwala.

Hindi lang sa panahon natin itinuturo ang pagiging masunurin, kundi noon pang panahon ng mga tauhan sa Bibliya.

Isa sa kilalang personalidad sa Bibliya si Job na isang mayaman subalit masunurin sa Diyos.

Hinamon ng Diyablo ang Diyos at sinabing hihinto sa pagiging masunurin si Job kung ito ay magkakaroon ng malaking problema.

Bilang pagsubok, nagkaroon ng problema si Job subalit hindi ito natinag, kahit namatay ang pamilya at nagkasakit ay hindi tinalikuran ni Job ang Diyos at naging masunurin.

Bilang gantimpala sa pagiging tapat at masunirin ni Job, ginantimpalaan siya ng Diyos ng higit na pagyaman, gumaling sa sakit at naging masaya.

Sa ating panahon at sa trabaho, amg sinumang masunurin ay may gantimpala at tiyak ang kagalakan.

Gaya ng isinasaad ng Bibliya sa Job 36:11, If they obey and serve him, they will spend the rest of their days in prosperity and their years in contentment.