NADAGDAGAN pa at naging 40 na ang bilang ng mga kawani ng Kamara de Representantes na nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19.
Ayon kay House Secretary-General Atty. Jose Luis Montales, isang babaeng congressional staff na hindi tinukoy ang pangalan, ang pinakabagong kaso.
Ang nasabing staff ay huling nagtungo sa Batasang Pambansa Complex noong Marso 11.
Nagkaroon ito ng sintomas ng nakamamatay na COVID-19 matapos mag-alaga sa kaanak na nauna nang nagkaroon ng COVID-19.
Comments are closed.