(May dalang prohibited used oil) PAG-FORFEIT NG BOC SA BARGE KINATIGAN NG SC

KORTE SUPREMA

SURIGAO CITY – KINATIGAN ng Korte Suprema ang naging hakbang ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang seizure o forfeiture laban sa “Cheryl Ann” barge na may dalang prohibited used oil sa Port of Surigao.

Ayon sa report ang naturang barge ay inupahan sa may-ari upang mag-load at mag-transport ng mga undocumen­ted cargo sa Pilipinas nang walang mga required importation permit mula sa pamahalaan.

Sa ilalim ng section 2530 ng Tariff and Customs Code of the Philippines (TCCP), importation of prohibited used oil ay ipinagbabawal at may kaakibat ito na “forfeiture in favor of the government, pursuant to section 2503” ng nasabing code.

Ang binabanggit na prohibited used oil ay nagmula sa bansang Palau at dinala ito sa bansa ng walang malinaw na kadahilanan o kung saan ito gagamitin.

Batay sa impormas­yon, ang may-ari ng barge ay ang Gold Mark Sea Carriers Inc., banyagang kompanya na nakabase sa ibang bansa.

Habang isinusulat ang balitang ito, walang ma­linaw na hakbang ang BOC laban sa may-ari ng barge at illegal importation ng mga used oil na ito. FROILAN MORALLOS