SO what kung muling magmahal si Albert Martinez? Matagal na siyang balo. May kanya-kanyang pamilya na ang kanyang mga anak. May mga apo na siya at namumuhay na mag-isa.
Isang buwan na ang nakaraan nang ating ibalitang may namumuong romansa kina Albert at Faith Da Silva, at naging close sila mula nang magksama sa isang teyping ng isang serye ng GMA7. Akala nila ay tsismis lamang ito, pero totohanan na pala.
Walang masama kung nagmamahalan sila. Walang masasagasaan dahil pareho silang single. Keber kung mas may edad na si Albert kay Faith. Basta, nagkakaunawaan sila at wagas ang pagmamahal sa isa’t isa.
Excited na ang mga kaibigan ng dalawa sakaling mabuntis si Faith. Siguradong maganda o guwapo ang magiging anak nila. May chika na sa sistemang lock-in taping, nagkaroon ng sobrang bonding ang mga artista. Hindi naman ito masama dahil pagsunod lamang ito sa covid health protocol. Imagine, 10 to 15 days kayong naka-stay sa isang lokasyon na kayo-kayo lang.
Sabagay, May-December love affair din sina ZsaZsa Padilla at Mang Doplhy (RIP), Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna. At pwede pang ihabol ang pagmamahalan ni Kris Aquino at Mel Sarmiento (isama talaga, huh!). At least, Albert at Faith, di nila pinagkakaila ang kanilang relasyon. Hmmp, di tulad ng ibang artista, may anak na super deny pa. Kalowkah mamaril ang drama.
***
KELVIN MIRANDA WAY UP NA
Nang mapanood namin si Kelvin Miranda sa mga TV shows ng Kapuso Network, iilan lang ang eksena niya. Sabagay, gan’un talaga ang nag-uumpisa sa syobis. Kahit contract star siya ng GMA7, wala pa siyang ipagmamalaki. Pero nuong nagkita kami sa production meeting at acting workshop ng pelikulang “Fieldtrip” namangha ako. Marunong pala siyang umarte at guwapo.
Pagkatapos ng Fieldtrip, nasundan pa ito ng The Fate. Pareho itong indie film na bida si Kelvin, hanggang nagkasunud-sunod na ang ginagawa niyang pelikula. Leading man na rin siya sa teleserye. Nakuha rin sa tiyaga.
Sa ngayon, tuloy ang teyping nila na “Stories from the Heart: Miss Brigette,” opposite ni Beauty Gonzales. Sa direksiyon ito ni Adolf B Alix, jr. Sana nga, hindi magbago ang ugali niya ngayong nag-uumpisa nang lumaki ang kanyang pangalan.
GOMA NAGKUMENTO KAY MOCHA?
Dahil sa matinding atake ni Mocha Uson kay yorme Isko Moreno, naging mainit ang palitan ng kuro-kuro sa social media. Say ng isang netizen, di ba si Mocha ay nasa OWWA admin, malaki ng suweldo na P150K per month, plus-plus. Di ba ang laswa niya noon.
Nagulat kami nang magkumento si Richard Gomez. “May ganyan nga pala kay Mocha. Di ba may picture na pinapasok ang kamay sa dibdib na kumalat sa FB?”
Nag-double check kami sa profile ni Goma, ang aktor/politiko ng Ormoc City. May sex video scandal pa pala si Mocha sa kapwa babae. Kaya nga, bago pumukol ng dumi ng iba, tumingin muna sa salamin, or else, pahihiramin ko kayo ng magic mirror ni Boy Abunda.
959517 152138Dead composed subject matter, thanks for info . 734737
987063 974582Quite intriguing subject , thanks for posting . 653826
854260 989859I actually got into this write-up. I identified it to be interesting and loaded with exclusive points of interest. I like to read material that makes me feel. Thank you for writing this great content material. 812647