PAG-AAGAWAN na lamang para sa ikalawang puwesto sa darating na halalan sa Mayo 9 ng mga katunggali ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang inaasahan, matapos na naman siyang mamayagpag sa pinakahuling real-time, real-man-on-the-street survey at iba pang formal survey.
Ito ay ayon sa SPLAT Communications, base sa kanilang analysis sa pinakahuling Kalye Survey na isinagawa sa iba’t ibang panig ng bansa nitong Pebrero 24.
“BBM has the majority in all the clusters nationwide. That, in itself, is proof that at this stage, he is unbeatable together with Mayor Sara as both of them are registering majority preference shares,” ayon sa SPLAT sa kanilang Pulso ng Pilipinas summaries.
“The winner has already been decided even before the first ballot has been cast. The other candidates are just vying for second place,” dagdag pa ng SPLAT.
Ang SPLAT Communications ay isang information at statistical data provider na katuwang ang consulting firm na Simplified Strategic Solutions (SSS) para i-produce ang Kalye Survey tallies.
“Game over na po kung ang pagbabatayan ay ang mga datos at numero na inilahad. Ang kandidatong may majority percentage ay hindi maaaring matalo,” giit nito.
“Ang mga kandidatong nasa ikalawa hanggang ika-limang pwesto na naghahati-hati lamang sa natitirang less than 50 porsyento ay kailanman hindi na makakahabol kapag walang malakihang pagbaba ng majority,” ayon pa sa SPLAT.
Si Marcos ang most preferred na presidential candidate sa buong bansa na nakakuha ng 74,372 boto o 61.58 porsyento ng 120,764 respondents.
Malayong pangalawa si Leni Robredo na nakakuha ng 12,011 o 9.95 porsyento; Isko Moreno, pangatlo, 9,136 o 7.57 porsyento.
Pang-apat si Manny Pacquiao na may 7,698 o 6.37 porsyento, at pang-lima si Panfilo Lacson na may 2,860 o 2.37 porsyento.
Undecided naman ang 12.16 porsyento.
Pinansin din ng SPLAT na nakalamang si Marcos sa lahat ng lugar maging sa mga kilalang balwarte ng kanyang mga kalaban.
“NCR, including the city of Manila, is the imagined bailiwick of Mayor Isko. But his numbers even in the city where he is mayor pale in comparison with the overwhelming majority of the BBM preference shares,” dagdag ng data provider.
“If there is one cluster of regions that VP Leni is expecting much-needed votes for her, this is it as this cluster contains her known bailiwick, the Bicol Region. However, based on the data that was just presented, no large-scale support is coming,” dagdag pa nito.
Iginiit naman ng SPLAT na malabo nang makahabol ang mga kalaban ni Marcos, maliban na lamang kung magkaroon ng malaking pagbabago sa voter preference ni Marcos.