KADARATING lamang natin mula sa Bicol at nakausap natin ang grupong patungo sana sa evacuation center ng mga naapektuhan sa Albay landslide kamakailan lang. Ito ay pinamumunuan nila Pastors Herman at BJ, Tupe, Bryan and my UST GBE Fraternity brod, Dr. Arnel Binalla. As the movie title goes, “A few good men”.
Nakita kong may mga asul na supot na binalot na sila para iabot sa mga nasalanta. Bukod sa ayuda ay nagpaplano sila ng mga aktibidad upang mapakinggan ang panig ng mga namatayan at palakasin ang kanilang loob sa pamamagitan ng dasal.
Ngunit sa kasamaang palad ay dumating ang malakas at patuloy na pag-ulan na kalaunan ay nauwi rin sa bagyo, kaya’t hindi ito natuloy. Tumulak na lamang sila patungong Castilla para roon ay magsimula ng bagong plano para sa isa pang komunidad na tila ba napag-iwanan ng panahon.
ANG SITWASYON NG TRANGKASO
Inaasahang kakalat ang trangkaso sa evacuation centers na ito. Kung inyong mapupuna ay napakarami sa ngayon ang kailangang isugod sa ospital. Pauwi nga ng Maynila ay ilan ang nakasabay kong inuubo at mayroon pang bulutong tubig. Ito nga ba ay patunay na laganap na ang virus sa buong bansa? Ano nga ba ang ibig sabihin ng mga terminong epidemic, pandemic at endemic?
- Epidemic: An outbreak of disease that attacks many peoples at about the same time and may spread through one or several communities. Gaya ito ng nangyayari sa ating bansa sa ngayon na marami ang nilalagnat ng sabay-sabay.
- Endemic: A disease that exists permanently in a particular region or population. Gaya ito ng Malaria na nakikitang madalas sa ilang probinsiya.
- Pandemic: When an epidemic spreads throughout the world. Ito ang nakakatakot at maaaring kumitil ng maraming buhay.
The World Health Organization (WHO) recently released a list of concerns for world health early this 2019. Ayon sa kanilang mga eksperto, “The world will face another influenza pandemic – the only thing we don’t know is when it will hit and how severe it will be. Global defences are only as effective as the weakest link in any country’s health emergency preparedness and response system.”
ANG FLU VIRUS
May grupong kung tawagin ay Center for disease Control or CDC. Sila ang nag-i-evaluate ng sitwasyon sa mga communicable diseases.
There are 2 main types of influenza (flu) virus: Types A and B. The human influenza A and B viruses that routinely spread in people are responsible for seasonal flu epidemics each year.
Influenza A viruses can be broken down into sub-types depending on their surface proteins. Over the course of a flu season, different types of A & B and subtypes of influenza circulate and cause illness. Like all other vaccines, the one for flu isn’t perfect, but it cuts the risk of illness from 30% to 60% in the population. In general, vaccines work better against influenza B and influenza H1N1 viruses than they do against H3N2 virus.
MGA DAPAT GAWIN
Kabilang sa pag-iwas sa sakit na influenza o trangkaso maliban sa pagbabakuna ay ang sapat na pamamahinga upang tulungan ang immune system ng katawan.
Narito ang ilang uri ng bakuna kung kakayanin ang halaga.
Trivalent vaccines, which protect against 3 flu strains: two A and one B. Another is the Quadrivalent vaccine, which protect against 4 strains: two A and two B. It takes about 10 days to 2 weeks for the vaccine to reach its full effect. Hindi ito ipinapayo sa mga buntis at mahina ang resistensiya.
Mahalaga ang ehersisyo at sapat na tulog o pamamahinga. Takpan ang bibig kapag bumabahing o umuubo. Iwasang hipuin ang mata, ilong at bibig. Uminom ng maraming tubig at juice hanggang 10 baso lalo na kung may sinat upang maiwasan ang dehydration. Uminom ng pinakuluang luya o mainit na kalamansi. Kumain ng maraming gulay at prutas na mayaman sa bitamina at mineral.
PAANO ITO MAIIWASAN
Walang tunay na gamot sa influenza, dahil ito ay mula sa virus. Ang mga nabibiling mga gamot daw sa trangkaso ay panlunas sa mga sintomas lamang. Pinangangambahang kulangin o kapusin ang Filipinas sa influenza vaccine o bakuna laban sa trangkaso ayon sa Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases.
Delikado ang sitwasyong ito para sa bansa dahil maaaring mauwi ito sa komplikasyon gaya ng pneumonia, isang nakamamatay na sakit lalo na sa mga bata at matatanda.
Ugaliin ang parating paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang pagkalat ng mikrobyo. Kumain ng masustansiya at tamang nutrisyon. Maging malinis sa katawan. Umiwas muna sa pamamasyal sa matataong lugar gaya ng malls. Iwasan ang mga taong may sakit na ng trangkaso para hindi mahawaan. Kumonsulta sa isang tunay na doktor kung may masamang nararamdaman.
*Quotes
“There is a new and stronger flu virus strain that is making people sick. Viruses change its genetic makeup through muta-tion. So when a virus changes its structural makeup, our immune system cannot recognize it. There is no cure. Prevention is better.”
– From an Infectious Diseases Specialist
oOo
Salamat po sa pagsubaybay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusugang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien medical wellness. God bless dear readers!
Comments are closed.