MAY ‘FOREVER’ SA FILIPINAS AT JAPAN!

edwin eusebio

Lumalim pa ng higit ang pagkakaibigan,

matagal nang pagkakaisa ng Filipinas at Japan.

Si Pangulong Rodrigo Duterte muling pinatunayan,

mahalaga ang ugnayan ng dalawang bansa sa kalakalan.

 

Sa kanyang ikatlong pagdalaw sa bansang Hapon,

palalakasin pa ng Filipinas at Japan ang pagusulong sa business.

Umaasa ang bansa sa mga infrastructure development… Dagdag pa ang palitang kalakal, labor at investments.

 

Ito na ang ikatlong pagdalaw ng Pangulong Duterte  sa Japan.

Ang bansang ilang dekada na nating katuwang…

Kaya naman ang Filipinas, sa oras ay naglaan…

Sa 25th International  Conference on the Future of Asia, itatala sa kasaysayan.

 

Nakipag-usap din ang pamoso nating Pangulo…

Kay Shinzo Abe na sa Japan ay punong ministro.

Tinatalakay nila ang gusot ngayon ng Filipino at Tsino sa karagatang kapwa inaangkin ng dalawang partido.

 

Handa ang Japan na kahit kailan tayo ay tulungan

Hindi lamang sa mga materyales na ating kailangan.

Maging sa banta ng pag-angkin sa ating bayan…

Handa ang Japan na ang Filipinas ay protektahan!



(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)

Comments are closed.