UMPISA pa lamang ng impormal ng pangangampanya ng mga pulitiko na nais tumakbo sa halalan, tila may intriga na sa kampo ni Manila Mayor Isko Moreno.
Kamakailan kasi ay nagbitiw sa puwesto ang kanyang chief of staff sa Manila na si Cesar Chavez. Kasama na raw sa kanyang pagbibitiw ay ang kanyang pakikialam sa presidential campaign para kay Isko.
Minarapat ni Chavez na muling bumalik sa pribadong sektor. Tinanggap niya ang isang mataas na posisyon sa Manila Broadcasting Corporation kung saan nasa ilalim nito ang DZRH.
Ayon sa kanyang Facebook account, nagpapasalamat si Chavez kay Isko sa pag-unawa at pagkakataong makapagtrabaho sa Maynila. Hindi raw siya nanghihinayang sa pagiging COS ni Mayor Isko. Babalik daw si Chavez sa kanyang ‘pers lab’ bilang isang radio broadcaster. Ayon pa sa kanyang FB account, na-appoint daw siya sa gobyerno na labing dalawang beses sa anim na na lumipas na mga administrasyon ng ating bansa. Kasama na rito ang pagserbisyo sa dalawang LGUs (Caloocan at Manila). Nag- commit na raw siya sa MBC management na mananatili siya sa nasabing kompanya hanggang sa edad ng kanyang pagreretiro.
Subalit taliwas ito sa paliwanag ni Mayor Isko sa dahilan na ibinigay niya sa media bilang rason ng pagbibitiw ni Chavez. Ayon kay Isko, “Nagkaroon siya ng health reason, that’s one. Two, he has to attend to his family, so ayaw kong nag-i-interfere kapag pamilya na eh, siyempre kaya ka nga naghahanapbuhay dahil sa pamilya mo eh, and I respect that,”.
Oooops. Parang magkasalungat ang paliwanag ng isa’t-isa.
Ayon naman sa lumabas na balita, tila may gusot sa loob ng kampo ni Isko sa pamamaraan ng mga mensahe na ipinapalabas nila sa media. Tila hindi sang- ayon si Chavez sa mga payo ng batikan na political operator at dating Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman ni Pangulong Duterte na si Lito Banayo.
Tulad ni Chavez, marami ring karanasan si Banayo sa gobyerno. Naging Postmaster General siya sa ilalim ng administrasyon ni Cory Aquino at naging general manager siya ng Philippine Tourism Authority noong panahon ni Pangulong Erap Estrada. Naging administrador din ng National Food Authority sa administrasyon ni Noynoy Aquino. Kaya nakakabilib din si Banayo. Nakakapasok siya sa mga sensitibong posisyon sa gobyerno. Maaaring maganda ang kanyang kwalipikasyon at koneksiyon. Si Banayo ay kilala talaga sa pagiging eksperto sa political campaigns.
Bagamat pinabubulaanan nila na walang gusot sa pagitan nina Chavez at Banayo, tila hindi kumbinsido ang karamihan ng mga sumusubaybay sa mga pangyayari sa kampo ni Isko. Parang unti-unting nahawi ang mga orihinal na mga tao ni Yorme ng mga bata ni Banayo.
Parehas na nakilala ko si Banayo at Chavez.
Natatandaan ko na bumisita sa aming bahay si Banayo noong panahon na balak kong tumakbong mayor ng Lingayen, Pangasinan noong panahon ni Erap. Inaalok niya ako na maging kandidato sa koalisyon ni Erap noon. Ito yung Laban ng Makabayang Masang Pilipino o LAMMP. Hindi natuloy ang plano dahil napatalsik nga si Erap noong panahon ng EDSA Dos.
Si Chavez naman ay nakilala ko noong kami ay nakikipag- usap sa kanya tungkol sa isang proyekto ng DOTC noong panahon ni PNoy. Si Chavez kasi ay naging undersecretary for rails ng DOTC. Sa obserbasyon ko kay Chavez noon ay parang may alinlangan siya sa aming inaalok na proyekto. Subalit ito pa lamang ang unang pagkikita namin.
Pagkatapos ng ilang buwan ay nabalitaan ko na lang ay nagbitiw siya sa DOTC. Ito ay ‘yung panahon na bugbog sarado ang ahensya ni Sec. Abaya sa mga bintang ng korupsiyon sa DOTC. Bumalik si Chavez noon sa DZRH at naging radio broadcaster.
Teka…parang hawig yata ito sa nangyari sa kanya kay Isko! Baka totoo nga na may problema nga sa kampo ni Mayor Isko. Nagtatanong lang po.
270238 178321There a couple of fascinating points in time in this post but I dont know if I see these center to heart. There might be some validity but Ill take hold opinion until I explore it further. Outstanding article , thanks and then we want a whole lot much more! Put into FeedBurner too 578529
2935 88135Some truly good and utilitarian information on this internet web site , besides I feel the layout holds fantastic capabilities. 258809
First of all, thank you for your post. bitcoincasino Your posts are neatly organized with the information I want, so there are plenty of resources to reference. I bookmark this site and will find your posts frequently in the future. Thanks again ^^
849840 638563I truly appreciated this gorgeous blog. Make certain you maintain up the good work. Very best Regards . 522674