MAY INFLATION PAPALO SA 5.4%

BSP INFLATION

MAAARING pumalo sa mahigit limang porsiyento ang inflation rate sa buwan ng Mayo,  ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa kanilang monthly forecast statement,  inamin ng central monetary authority ng bansa na ang inflation noong Mayo ay muling lumagpas sa kanilang annual average target range.

Ayon sa central bank,  ang inflation rate noong nakaraang buwan ay ­maaaring umabot sa 4.6 hanggang 5.4 percent.

Lubha itong mataas kumpara sa 2.9 percent na naitala noong Mayo 2017, at sa 4.5 percent noong Abril ng nakaraang taon.

Sinabi ng BSP Department of Economic Research na ang local at international developments ay kapwa nakapag-ambag sa tinatayang pagsipa ng inflation para sa naturang buwan.

“Higher domestic petroleum prices amid geopolitical tensions in the Middle East as well as the sustained increase in rice prices present upward price pressures for the month,” wika ng BSP.

Dagdag pa ng BSP, mas mataas pa sana ang inflation kung hindi bahagyang na-offset ng mas mababang singil sa kuryente sa Meralco-serviced are-as at bumaba ang presyo ng mga piling prutas at isda sa pagnormalisa ng supply noong nakaraang buwan.

Sa pagtaya ng BSP, ang inflation ay mag-aaverage ng 4.6 percent ngayong taon bago muling babalik sa target level para sa 2019 sa 3.4 percent.

Inaasahang ipalalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang May inflation rate ng bansa sa unang linggo ng Hunyo.         BIANCA CUARESMA

Comments are closed.