SADYANG makulay ang mundo mo ngayon. Dahil may lovelife ka. Pero teka muna, alam mo ba na kapag may karelasyon ka, hindi lang puro pag-ibig? Kung ikaw ang nobyo, mas malaki ang iyong responsibilidad. Dahil ka-kailanganin mo ng kuwarta.
Oo, pera, datung, anda, salapi.
Dahil sa pakikipagrelasyon, hindi lang text o kaya tawag at dalaw. Kung sa mga nabanggit kailangan mo talaga ng pera pang-load sa cellphone at pantawag. Kailangan mo rin ng pamasahe o kung may sasakyan ka, kailangan mo rin ng gas para makapunta sa iyong iniirog.
Nakakahiya naman kung ang panggastos mo sa nabanggit ay hihingin mo pa sa iyong mga magulang at lalong nakakahiya kung ang iyong panreregalo ay galing pa sa iyong tatay.
Kaya kung magla-lovelife ka, aba tiyakin mong may panggastos ka!
Dahil ang totoo, kapag ang lalaking walang anda, matabang at walang dating sa kababaihan.
Kaya para maging matagumpay ka sa relasyon dapat may ipon ka at narito ang limang tips para sa iyo.
- Kung ikaw ay nagtatrabaho at may lovelife na, isipin mo na dapat may extra money ka sa magiging activity na iyong karelasyon gaya ng date, dalaw sa bahay at selebrasyon sa inyong monthsarry, anniversary, Valentine’s Day, Birthdays, Pasko at kaarawan ng mga magulang ng inyong karelasyon. So mula sa iyong suweldo, unti-unting magtabi para sa pondo mo para sa iyong nobyo o nobya.
- Ten percent ng iyong suweldo ay itabi bilang pondo mo nang hindi ka napapahiya sakaling may emergency pangangailangan ang iyong ka-lovelife.
- Sabi nila kapag single, baduy ang sobrang tipid pero isipin mo na dalawa na kayo kaya planuhin ang iyong gastos.
- Maging simple lang sa kagamitan. Puwede naming hindi branded ang isuot para maging komportable ka. No-no ang sobrang luho sa kagamitan tapos lagi kang kinakapos. Dapat kung magarbo ka, ay may kakayahan ka. Meaning malaki ang suweldo mo para may pondo ka sa mga sosyal na kagamitan habang hindi nababawasan ang ang pampondo para sa iyong savings ganoon din para sa pantustos sa inyong date ng iyong nobya.
- Dahil modified general community quarantine planuhing mabuti ang inyong summer outing. Hindi masama na magkaroon ng ganyang bonding pero dahil ang pinag-uusapan diyan, hindi lang inyong relasyon, kundi ang inyong gastusin. Paano kayo mae-enjoy kung mag-iisip ka habang nasa swimming sa beach kung paano binayaran ang inutang para matupad lang dream bonding na iyan? Kaya para maging praktikal, magplano at alamin ang pina-kakuripot na budget upang hindi makompromiso ang iba pang savings mo. O kaya naman much better, mag-stay cation na lamang kayo sa inyong tahanan at doon manood ng movie at magluto ng paborito ninyong pagkain.
Sana makatulong ang Quaran-Tips sa inyo.
Comments are closed.