MAY MAS MAGANDANG PANUKALA PARA SA KALIWA DAM

Magkape Muna Tayo Ulit

HETO na nga ang sinasabi ko. Matagal nang suliranin ang posibleng pagkakulang ng suplay ng tubig sa Metro Manila. Dumarami ang populasyon kaya dumarami ang kumokonsumo ng mga pangunahing pa­ngangailangan tulad ng gasoli-na, koryente, pagkain at TUBIG.

Heto ngayon. May krisis sa tubig. Ang Manila Water, na isang concessionaire ng MWSS sa pagbibigay serbisyo sa pamamagi-tan ng distri­b­usyon ng tubig sa ilang parte ng Metro Manila ay kinapos ng suplay. Ang daming nagagalit. Isa sa katuwiran nila ay nagkukulang na ng suplay ng tubig sa Metro Manila. Eh bakit may suplay pa ng tubig ang Maynilad na isa ring concessionaire ng MWSS? Hay naku. Hayaan na natin ang Kongreso na imbestigahan ito. Lalabas din ang katotohanan kung sino ang pumalpak dito.

Ang nais kong talakayin ay ang kinabukasan ng water supply natin. Hayaan na natin ang MWSS at gobyerno kung papaano nila resolbahin ang kasalukuyang suliranin sa krisis sa tubig.

Binanggit ng MWSS na may proyekto sila na malapit nang simulan sa lalawigan ng Quezon. Ito ay ang Kaliwa Dam. Makapag-bibigay raw ito ng karagdagan ng 600 Million Liters per Day (MLD) upang makatulong sa kasalukuyang 4,000 MLD mula sa An-gat Dam sa Bulacan na nagsusuplay ng tubig inumin sa Metro Manila.

Ang China Energy ang nanalo sa bidding. Nagkakahalaga ang proyekto ng mahigit P12 billion. Subali’t ang nasabing halaga ay nasasakop lamang ang pagtayo ng dam. Hindi kasama rito ang water treatment facility upang ang nasabing suplay ng tubig mula sa Kaliwa Dam ay maging ligtas na tubig inumin natin.

Alam ba ninyo na nagsabi na dati ang isang opisyal ng Manila Water na ang kabuuan na magagastos ng Kaliwa Dam upang magbigay ng karagdagang malinis na tubig inumin sa Metro Manila ay aabot ng mahigit P40 billion!

Ayon sa proposal ng China Energy, ang Kaliwa Dam ay kakain ng taas na 73-meter at may kahabaan ng 22.5 kilometro na wa-ter tunnel upang dumaloy ang 2,400 MLD na suplay sa Metro Manila. Dahil masyadong mataas ang sukat ng disenyo ng China Energy, malaking bahagi ng komunidad na naninirahan sa paligid ng Kaliwa Dam ay malulubog sa tubig. Sa mada­ling salita, mawawalan ng tirahan ang malaking bahagi ng komunidad ng bayan ng Daraitan. Pati ang Tinipak National Park ay malulubog din sa tubig. Mga 1,200 na pamilya ang mawawalan ng tirahan sa disenyo ng China Energy. Sa katunayan, ang ilang opisyal ng lala-wigan ng Rizal ay tutol sa plano ng MWSS. Kaya malaki ang posibilidad na mahihirapang makakakuha ng mga mahahalagang lokal na permits ang nasabing proyekto.

Sa kabilang dako naman marami ang may hindi alam na may matagal nang proposal ang Global Utility Development Corpora-tion o GUDC para sa Kaliwa Dam. Ito ay itatayo sa may Tanay, Rizal. Ito ay isang unsolicited propo­sal. Ang ibig sabihin nito ay naghain sila ng isang kasulatan na may proposal na kakaiba o alternatibo na hindi naisip ng gobyerno subali’t maaring mas mabuti at mas makatitipid sa nasabing proyekto.

Ang GUDC ay isinumite ng unsolicited proposal nang 2009 noong panahon ni Pangulong Noynoy Aquino. Dahil nga sa ganda ng proyekto, nagresulta ito sa isang Memorandum of Understanding (MOU) na gagawin ang nasabing proyekto.  Subali’t inabutan ito ng kasalukuyang admi­nistrasyon. Isinumite muli ang nasabing proposal ng GUDC sa Malacañang nitong Set­yembre 2017 at inayudahan ito ni Pa­ngulong Duterte. Inutusan ang MWSS na ipagpatuloy ang nasabing propo­sal. Ayon sa proposal ng GUDC, walang ilalabas na pera ang gobyerno rito.

Sa kabilang dako naman, ayon sa proposal ng China Energy, matatapos nila ang nasabing proyekto sa kalagitnaan ng 2023. Wa-la pa rito ‘yung treatment plant na kakain muli ng ilang taon. Tapos na ang termino ni Pangulong Duterte nito. Inuulit ko, hindi pa kasama rito ang posibleng pag-antala ng nasabing proyekto dahil tutol nga ang lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Rizal sa nasa-bing plano.

Sa proposal naman ng GUDC, maliban sa walang gastos ang gobyerno, matatapos daw nila ito sa 2022. Ang taas ng disenyo ng dam ay aabot lamang ng 7 meters. Malayo sa disenyo ng China Energy na 73 meters ang taas. Nguni’t makakapagsuplay ito ng 550 MLD. Ang water tunnel na gagawin nila upang dumaloy ang suplay ng tubig ay 14 kilometro lamang. Halos kalahati sa 22.5 kilometro na nakasaad sa disenyo ng China Energy.

Dahil hindi mataas ang disenyo ng GUDC sa plano nila para sa Kaliwa Dam, hindi maaapektuhan sa paglubog ng tubig ang bayan ng Daraitan at Tinipak Natural Park. Walang mawawalan ng tirahan sa proposal ng nasabing kompanya ng Hapon. At ang kagandahan pa sa proposal ng GUDC, kasama na rito ang water treatment plant. Magkano ang aabutin na gastos ng GUDC na wa-lang gastos ang ating gobyerno? P13 billion po!  Magkano ulit sa China Energy? P40 billion! Ang tanong…eh bakit binabalewala ito ng MWSS? Tandaan lang po natin na nagbigay babala na ang Manila Water na maaring magkaroon tayo ng water shortage sa 2021…eh ngayon na nga ay may water shortage na sa sinasakupan ng Manila Water! Doon lang po sana tayo sa tama.

Comments are closed.