TATAASAN ang operating capacity sa mgq lugar na may mataas na COVID-19 vaccination rates, ayon sa Malacañang.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, sa mga lugar na nasa ilalim ng COVID-19 Level 4 o mas mababa, kung saan hindi bababa sa 70 percent ng senior citizens at may comorbidities ang bakunado, ang mga establisimiyento ay maaaring dagdagan ang kanilng capacity ng 20 percent.
“Mayroon nang kumbaga, insentibo itong mga localities, mga regions, halimbawa, na i-prioritize ang mga senior citizens for fully vaccinated; i-prioritize din iyong mga those with comorbidities na maging fully vaccinated din,” sabi ni Nograles sa isang press briefing.
Sa kasalukuyan, nasa 61.6 million ng 109 million population ng Pilipinas ang bakunado na. Nasa 9.1 million naman ang tumanggap na ng booster jabs.
Sinabi pa ni Nograles na maaari ring mag-operate sa karagdagang 10 percent ng kanilang capacity ang mga establisimiyento na may safety seals