ISANG namumurong kandidato para sa pagka-pangulo sa Estados Unidos ang nagbigay ng suhestiyon na biyak-biyakin na ang kom-panyang Facebook dahil na rin sa hindi umano ito masyadong nare-regulate.
Inakusahan ni Democratic presidential candidate Kamala Harris ang Facebook na inuuna ang kanyang paglaki at kita kaysa sa interes at kapakanan ng mga consumer.
Dapat umanong tingnan ang Facebook bilang isang public utility na hindi nare-regulate.
Maaalalang kamakailan ay binatikos ang Facebook sa buong mundo dahil sa data sharing feature nito na nagagamit sa pagpapakalat ng hate speech at misinformation.
Nabatikos naman ang Facebook Philippines dahil sa pag-employ nito ng fact-checkers na kabilang o kilalang mga kritiko ng pamahalaan.
Sa ganang atin, tunay namang parte ng pang-araw-araw ng karamihan o milyon-milyong Filipino ang Facebook at tayo’y naniniwala na malaki ang role ng Facebook sa ating demokrasya.
Sumasalungat tayo sa proposal ni Harris, ngunit pabor tayong magkaroon ng mas makatotohanang pag-regulate sa nasa-bing social networking site.
Nakita naman natin ang malaking papel na ginampanan ng Facebook sa nakaraang political exercise, mismong mga kandidato ay gumastos nang ma-laki para mapalawig ang kanilang kampanya gamit ang social netwroking site na ito.
Comments are closed.