MAY PAKPAK ANG RESTO NI KIRAY

KAKAIBA ang resto ni , ang Chicks and Fins, dahil hindi ito tulad ng Jollibee at MacDo na fries at chicken ang isini-serve. Nakatutuwang sumabak na rin si Kiray sa negosyo kahit kilala naman siyang artista. It means, nagsisiguro rin siya sa hinaharap sakaling maisipan niyang huminto na sapag-aartista.

Part-owner lang siya kung tutuusin ngunit hands-on siya sa negosyong ito. Chicks and Fins, na ang ibig sabihin, manok at isda ang isini-serve nila sa customers, pero hindi sa paraang fine dining. Para lang itong pica-pica. Ngunit ang pinakamasarap sa lahat ng nakalista sa menu nila ay ang chicken wings. Kapag natikman ninyo ito, para ka na ring lumilipad sa sarap.

Kahit hindi pa pormal na nabubuksan ang Chicks and Fins sa publiko, marami na ring pumunta dito – advertisement by word of mouth. Dahil ang chicken wings ay talagang napakasarap, ito ang nangu­nguna nilang produkto. Ina-iba ang lasa nito. Meron silang Honey Volcano Wings, may medyo spicy, pero perfectly okay! May halo itong honey coating na talaga namang maglalaway ka.

Meron naman silang tinatawag na Volcano! May kasama itong sawsawan – para sa mga totoong adventurous sa kanilang pagkain.

Ayaw ninyo ng maanghang? Subukan ang Chicks and Fins’ spin on Garlic Parmesean! Isang classic na recipe na malutong at masarap.

Pero hindi pang chicken wings ang ipinagmamalaki nila – kaya nga may fins. May mga tasty fries din tulad ng siomai na mismong tatay ni Kiray ang gu­magawa! Tamang tamang maging comfort foods.

At ang pinaka­maganda sa lahat, mura lang ang pagkain dito. Wala pang P100, busog ka na.

Ngayon, alam n’yo na kung saan kayo pupunta kapag nagutom kayo– NV

118 thoughts on “MAY PAKPAK ANG RESTO NI KIRAY”

Comments are closed.