ANG PRUDENCE ay sabit na sa Customs.
Pero ang GLADLY ay nakakuyabit pa.
‘Yang dalawang kataga, Suki, ang gabay ng mga ismagler sa mga pantalan sa bansa.
‘Yan ang umano’y 2-word passcode sa mga palusot sa BOC katumbas ng lingguhang P17 milyong “tara” na kinumpir-ma ng isang Suki sa Sentido Komun.
Pero hindi ‘yan ang istorya.
Kundi kung kanino napupunta ang bulto ng lingguhang koleksiyon.
Basahin ang kumpisal ng isang Suki:
Sir Rey ang asawa ng isang mataas na opisyal ang bumubulsa ng malaking bahagi ng P17 milyong “tara.”
Ganurn?
Pero hindi naman sinabi ng ating Suki kung ang PRUDENCE at ang GLADLY ang may kinalaman sa milyones na “tara.”
oOo
Mismong si Pangulong Duterte ang nagsibak sa puwesto kay Noel Prudente.
Bilang deputy Customs commissioner.
Alam ni Boss Digong, Suki, kung bakit niya sinibak sa puwesto si Prudente.
Bukod sa sinabi ng pangulo na sobra-sobra ang kanyang lakwatsa sa ibang bansa.
Ako? Aha, may duda ako, Suki, kung bakit siya sinibak ng pangulong nagngingitngit sa mga korap sa kanyang gobyerno.
Pero ang tanong:
Bakit si Prudente lang ang sinibak?
Bakit hindi si Komisyuner Sid Lapena?
Kasi, Suki, para sa akin ay malaki ang panana¬gutan ni komisyuner sa mga palpak na gawain ng kanyang deputy.
Maliban lang kung siya na mismo ang may inisyatib na sibakin si Prudente.
Bago pa nalagutan ng pasensiya si Boss Digong at lantarang patalsikin ang kanyang deputy.
At saka, Suki, kailangan din sigurong malaman ng pangulo na may isang “gladly” pang dapat ma¬silip ang papel sa Aduana.
Hindi ko sinasabing korap ang “gladly” na ito, Suki, pero mas maganda nang klaro na tunay nga ang paglilinis ng pangulo sa kanyang gobyerno.
Sa pamamagitan ng pagsilip sa mga taong p-borit ng komisyuner.
Pero, “best move” ni Boss Digong kung ang komisyuner mismo ang kanyang sisibakin.
Comments are closed.