NAGHAIN ng mga resolution ang mga kongresista sa House of Representatives upang imbestigahan ang naganap na landslide sa Barangay Masara sa Maco, Davao De Oro na kumitil sa buhay ng mahigit 70 katao at pagkawala ng maraming iba pa.
Ayon kay House Majority Leader Act CIS Partylist Representative Erwin Tulfo, dapat may makulong sa malagim na sakuna.Inihain nina Tulfo, at Davao de Oro Representative Ruel Peter Gonzaga at 4 pang mambabatas ang House Resolution 1586 “Urging the Appropriate Committee of the House of Representatives to conduct an inquiry in aid of legislation,into the landslide in Davao De Oro resulting in massive deaths despite the no build zone implemented in the area,and reviewing existing regulated by the Mines and Geosciences Bureau(MGB).
Maraming residential infrastructures at establishments ang itinayo sa lugar bagamat ito ay “no build zone.’ We really need to investigate kasi nakakapika na. Nakakasawa na everytime na may ganitong trahedya, may imbestigasyon, pero walang napaparusahan. I think we need to do something about it.Kailangan siguro may masampolan.May masampolan na LGU, may masampolan sa DENR o LGB, tingnan natin kung sino kailangan ang managot dito,”ang sabi ni Tulfo sa mga reporter sa Kamara.
Naghain din ng katulad na Resolution si House Assistant Minority Leader at Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas.Nais ding repasuhin nito ang mga batas na ipinatutupad ng MGB kaunay nito.
Nasa Masara ang lokasyon ng large at small scale mining sa barangay kung saan ang mining operations ay malapit sa apektado ng landslide.
Samantala, iginiit ng Apex Mining Corp., na malayo ang mining area nila sa pinangyarihan. Nasa garahe aniya ito ng matabunan ang mga sasakyan lulan maging ang ilang tauhan nito.
“We really need to make halimbawa isa rito na may makulong, kung local government official, or official sa national governments para madala,ayusin nila ang trabaho,” sabi ni Tulfo.
Ayon naman kay Brosas, dumami ang bilang ng mining activities sa bansa dahil sa lifting ng nine-year ban sa new mining agreements ng administrasyon ng dating President Rodrigo Duterte. “Nag-isyu ng Executive Order (EO) No. 130 and Duterte administration lifting the nine-year ban sa mga bagong mining agreements.”
Nanawagan si Brosas na ipatigil ang lahat ng malalaking mining operations sa bansa, dahil malit lamang umano ang naibibigay nitong hanapbuhay sa mga Pilipino. Ma.Luisa Macabuhay-Garcia