Made na ang modelling career ni Maymay Entrata ngayong naimbitahan siyang rumampa sa unang pagkakataon sa Paris Fashion Week para sa MM Milano Fashion Brand.
Naunang sumikat bilang Pinoy Big Brother winner, actress at ng lumaon ay singer via hit song “Amakabogera,” excited si Maymay sa nasabing event dahil first time din niyang makakapunta sa France.
Ani Entrata. “First time ko pong naimbitahan.”
Hindi lamang rarampa si Entrata sa runway para sa mga sikat na designer na si Leo Almodal at Vietnamese designer Phan Huy.
“Mag pe-perform din po ako sa opening before yung runway show po,” aniya.
Gaganapin ang kanyang runway appearances sa September 28 and 29.
Bukod sa mode-
ling at performance sa opening ng show, dadalo at magpa-participate din siya sa isang small concert kasama ang iba pang Filipino artists and performers mula sa iba’t ibang bansa.
Binigyang diin ni Entrata ang kahalagahan ng opportunity, sharing, at pakikipagkapwa.
“Nakapunta na din po ako ‘dun dati pero bakasyon po kasi. Ito kasi talagang iba. Bale, pupunta ako sa isa sa mga gusto kong country at hindi lang ‘yun, pupunta din ako dahil gagawin ko po yung kung anong mahal ko pong gawin which is yung pagpe-perform po kaya sobrang excited ako talaga.”
“Pinaghandaan ko po talaga itong Paris project po talaga kasi first time ko pong inimbitahan ng Paris Fashion Week and of course mag-perform din po dun,” dagdag pa niya.
RLVN