NASA unang ranggo muli ang Maynila sa National Capital Region (NCR) at sa pagkakataong ito ay sa routine catch-up immunization coverage na tinawag na “Vax-Baby-Vax’ at nagbibigay ng routine vaccines sa mga saanggol bilang proteksyon laban sa ilang uri ng sakit.
Pinasalamatan ni Mayor Honey Lacuna ang city government’s healthcare workers, medical frontliners at personnel mula sa Manila Health Department (MHD) sa ilalim ng pamamahala ng hepe nitong si Dr. Poks Pangan.
Dahil sa mga ginawang hakbang ng MHD, naging dahilan ito para makuha ng Maynila ang ranking na number one sa Metro Manila. Ang pamahalaang lungsod ay nagawang makapagbakuna ng 27,550 sanggol sa implementasyon ng nasabing routine vaccinatiom program noong isang buwan.
Sinabi pa ng alklade, base sa nasabing bilang ang Maynila ay lumagpas ng 128.9 percent sa target nito.
Ang nasabing programa ay ipinatupad sa pangunguna ng team ng MHD ng Manila city government at sa koordinasyon ng Department of Health.
Sa ilalim ng programa, ang mga sanggol na hindi nabakunahan sa naunang routine vaccination ay pinuntahan ng mga nakatalagang kawani at binakunahan para sa kanilang proteksyon mula sa iba’t-ibang uri ng sakit.
“Ito po ay isang programa kung saan magkatuwang ang DOH at MHD at pinupuntahan ang mga babies, ‘yung mga hindi nabakunahan ng routine vaccination dahil sa pandemya,” ayon sa lady mayor.
Napuna na ng alkalde na isa ring doktor na maraming sanggol sa lungsod ang hindi nabakunahan dahil maaaring ang kanilang magulang ay takot lumabas ng bahay o hindi pinapayagang lumabas.
Ang mga bakuna na itinurok bilang bahagi ng ay BCG laban sa primary TB at DPT laban sa diphtheria, pertussis at tetanus at anti-measles. VERLIN RUIZ