NAGPASALAMAT ang pamahalaang lungsod ng Maynila kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa pagbibigay prayoridad sa lungsod para sa housing program ng administrasyon.
Inihayag ito ni Manila Mayor Honey lacuna makaraang lagdaan ang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng siyudad ng Maynila at RS Realty Concepts Developers, Inc.
Pinangunahan ni Lacuna, Vice Mayor Yul Servo, City Administrator Bernie Ang at Secretary to the Mayor Marlon Lacson ang signing ceremony para sa city government habang sa bahagi ng developer ay mismong si William Russel Scheirman, Jr. ang taga pangulo ng nasabing realty developer at kanilang mga legal counsel sa pangunguna ni Atty. John Henry Pascual na sinaksihan ng mga kinatawan ng PAG-IBIG.
Sa kanyang mensahe , sinabi ni Lacuna sa ngalan ng siyudad at ng mga residente ay taos puso siyang nagpapasalamat kay Pangulong Marcos sa pagbibigay prayoridad sa mga taga lungsod na mabigyan ng disente tahanan ang mga nangangailangan.
Agad na inatasan ng alkalde si City Administrator Bernie Ang na bumalangkas ng alituntunin hinggil sa programa ng pabahay at ang kinakailangan arrangements sa panig ng developer, city government at PAG-IBIG.
Kaugnay nito, kinakailangan tukuyin ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang mga posibleng benipisaryo o recipients ng 7,500 units na magiging available at magiging pag aari nila sa loob ng 30 taon.
Ang mga housing project ay ginawang abot kaya ang halaga at may mga community mall , playground at maluwang na open areas.
“Lagi nila iniisip ang pangangailangan ng bawat Pilipino…sana ay marami pang ganito sa lungsod,” pahayag pa ni Lacuna sa desisyon ni Marcos na bigyang prayoridad ang Manila sa mga nasabing housing project.
“Ito po ay para sa inyo.. bahagi ng inyong pangarap na ating nabigyang katuparan” dagdag pa ng alkade.
VERLIN RUIZ