INANUNSIYO nitong Huwebes na daragdagan ang alokasyon ng tubig para sa Maynilad at Manila Water galing sa Angat dam para umiksi o mawala pansamantala ang rotating water interruption sa Pasko at Bagong Taon lalo’t kadalasang tumataas ang demand sa holi-days.
Ayon sa National Water Resources Board (NWRB), inaprubahan nila ang alokasyong 2 cubic meters per second para sa mga water concessionaire sa Pasko’t Bagong Taon.
Kaunting dagdag lang ang kayang pagbigyan ng NWRB dahil kailangan ding tipirin ang suplay ng Angat Dam hanggang summer ng susunod na ta-on, lalo pa nga’t malabong umabot sa target na 212 meters ang water level nito bago matapos ang 2019.
“Hindi naman ganoon kalaki ang impact sa supply pero, makatutulong this Christmas season kung ma-minimize ang water interruption,” ani NWRB executive director Sevillo David, Jr.
Pero paglilinaw ng Maynilad, kahit may dagdag alokasyon ay malayo pa rin ito sa normal allocation nilang 48 cubic meters per second.
Pero kahit paano, may positibong epekto pa rin ito.
“It’s either po ma-shorten po namin ‘yung kasalukuyang nararanasang rotating water interruption ng customers or hopefully totally mawala sa 4 na holidays na meron tayo,” ani Ronald Padua, head ng Maynilad water supply operations.
Giit ng water concessionaires, tuloy ang rotational interruption nila pero ia-adjust din nila ang suplay batay sa pangan-gailangan dahil marami na rin namang nakabakasyon sa probinsiya.
Comments are closed.