TINATARGET umano ng West Zone concessionaire na Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ang pag-i-install ng mahigit sa 24,000 bagong water service connections ngayong 2018, na magdadala ng tubig na maiinom galing sa Maynilad distribution network sa dagdag na 167,000 na customers.
Makikinabang sa bagong koneksiyon na gagawin sa Valenzuela, Caloocan, Quezon City, Manila, Parañaque, Muntinlupa, Las Piñas, Bacoor, Imus, at Kawit sa Cavite ang mga tao na naninirahan sa subdivision o open communities na patuloy pa ring dumede-pende sa deep wells at water vendors para sa kanilang pangangailangan sa tubig.
Kapag konektado na sila sa Maynilad network, ang mga maninirahang ito ay makapagsisimula nang mag-enjoy sa puwedeng inumin na galing sa piped-in water supply ng Maynilad sa malakas na pressure ranging from 7 to 16 psi (pounds per square inch).
Kasalukuyang minimintina ng Maynilad ang ilang 1.4 million koneksiyon, na katumbas ng mahigit sa 9 milyong mga tao ang pinagsisilbihan. Ito ay mataas ng 54% sa 6.1 million customers na pinagsisilbihan ng kompanya 11 taon na ang nakararaan bago ito muling isinapribado noong 2007.
Ngayong taon, nag-ukol ng P728 million para sa kanilang water expansion projects, kasama ang paglalagay ng bagong pipelines para maikonek ang mga hindi pa napagsisilbihan at kulang sa serbisyong lugar. Namumuhunan din ang water company ng tinata-yang P3.3 billion para sa pagmimintina at repair ng existing pipes at pagpapalit ng mga luma, bilang bahagi ng inisyatibo para mapabuti pa ang level ng serbisyo.
“Access to potable surface water should no longer be a problem to communities in our service area. Hence, we sustain efforts to connect more people to our network, even as we rehabilitate our distribution system to maintain 24-hour water supply at adequate pressure for current customers,” paliwanag ni Maynilad president at chief executive officer Ramoncito S. Fernandez.
Ang Maynilad ang pinakamalaking pribadong water concessionaire sa Pilipinas pagdating sa customer base. Ito ang ahente at contractor ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para sa West Zone ng Greater Manila Area, na kinabibilangan ng mga siyudad Manila (certain portions), Que-zon City (certain portions), Makati (west of South Super Highway), Caloocan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Valenzuela, Navotas at Malabon lahat sa Metro Manila; mga siyudad ng Cavite, Ba-coor at Imus, at mga bayan ng Kawit, Noveleta at Rosario, lahat sa probinsiya ng Cavite.