INAANYAYAHAN ni Mayor Honey Lacuna ang lahat ng Manileño na samahan ang pamahalaang lungsod sa pagdiriwang ng Valentine’s Day sa pamamagitan ng programang “MayniLove 2024.’
Ayon kay Lacuna, ang nasabing ‘Love Month Celebration’ ng lungsod ay magiging ‘extra special and unforgettable’ dahil sa mga nakalatag na activities mula February 12 hanggang 17, 2024.
Sa ilalim na theme na, “Memories That Last Forever,” ang lokal na pamahalaan ng Maynila ay magsasagawa ng mga activities sa Kartilya ng Katipunan sa Bonifacio Shrine sa nasabing mga petsa mula 3 p.m. hanggang 11 p.m.
Sinabi pa ni Lacuna na ang nasabing event ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng permits bureau na pinamumunuan ni Levi Facundo, na nagsabi rin na mahigit na 30 merchants ang makikilahok.
“There will be daily surprises and gifts for lucky patrons, as well as special features like the ‘MayniLove Lock Heart,’ 360 Camera and ‘Puppy Love’, saad ni Facundo.
Nabatid pa kay Lacuna na mag-e-enjoy din ang mga bisita sa mga bulaklak at gift items pati na ang daily performances na mag-eentertain sa mga namamasyal sa “MayniLove 2024” kasama ang kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay.
Iba’t-ibang panindang mula sa mga kalahok na merchants ang mabibili ng mga bibisita sa lugar na bagay na bagay na pangregalo sa mga mahal sa buhay. Mayroon ding nabibiling mga sari-saring food items.
VERLIN RUIZ