Mayo Uno, araw ng Manggagawa

Shania Katrina N. Martin

Napakaespesyal ng buwan ng Mayo. Hindi dahil ito ang birth month ko kundi dahil talagangf napakaespesyal nito.

Simulant natin kay Greek goddess Maia (Maya), diyosa ng fertility. Tunog Naya na palayaw ko – pero nagkataon po lamang ito.

Si Maia ay anak ni Atlas at Pleione na isang Oceanid, at pinakamatanda sa pitong Pleiades. Isinilang sila sa tuktok ng Mount Cyllene sa Arcadia. Ayon sa kwento, itim na itim ang mga mata ni Maia.

Kay Maia kinuha ang pangalan ng buwan ng Mayo. Nangangahulugan ito ng mainit na pagtanggap, namumukadkad na mga bulaklak, at bagong simula ng tag-araw. Ito ang buwan ng mga pagdiriwang – ng mga piyestahan – lalo na sa Pilipinas.

Sa unang araw pa lamang ng Mayo ay mayroon nang pagdiriwang, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Ang Araw ng mga Manggagawa. Isa itong official public holiday sa maraming bansa. Sa india, tinatawag itong Antarrashtriya Shramik Diwas o Kamgar Din.

Kilala rin ang Mayo bilang buwan ng mga bulaklak at buwan bi Mama Mary. Kaya nga siguro ang Mother’s Day, ginawa na ring Mayo.

Bukod sa mga nabanaggit na, marami pa tayong hindi alam sa buwan ng Mayo.

Halimbawa, emerald o Esmeralda ang birthstone ng May, na siya ring pangalan ng gypsy sa The Hunchback of Notre Dame ni Victor Hugo. Kahit hindi alam ni Esmeralda kung kelan siya isinilang, alam niyang isinilang siya sa buwan ng Mayo dahil sa kanyang pangalan. Ang birthstone ay kumakatawan sap ag-ibig at tagumpay.

Sa United Kingdom, bawal sumimangot sa buwan ng Mayo dahil ito ang kanilang National Smile Month. At syanga pala, sa Europe at USA, May natatapos ang admission sa mga universities.

Maligayang buwan ng mga bulaklak at happy birthday to me. SKNM