MAYON VOLCANO A BEAUTIFUL DISASTER

Pumasyal ang magkasintahang sina Peter Carcillar at Gleann Torregosa sa Bicol upang bisitahin ang hometown ng dalaga. Dahil nasa Bicol na din lamang, aba, bisitahin na rin natin ang mahiwaga at makasaysayang Bulkang Mayon.

Ang Mayon Volcano ay isang active volcano sa southeastern Luzon, Philippines, na matatagpuan dominating the Legaspi City, Albay. Tinatawag itong world’s most perfect volcanic cone dahil sa symmetry ng hugis nito, na base sa 80 miles (130 km) na circumference. May taas itong 8,077 feet (2,462 metres) mula sa baybayin ng Albay Gulf.

Sa madaling sabi, matatagpuan ito sa ga­wing silangan ng Luzon, 500 kilometres ang layo sa Kamaynilaan. Dahil sa taglay niyang natural na kagandahan, nakahabi ng napakaraming kwento at tula ang mga manunulat tungkul dito.

Batay sa Philippine Mythology,  umusbong ang bulkan mula sa libi­ngan ng magkasintahang Magayon at Panganoron. Ano raw? Peter at Gleann ba? Ah, hindi, nagkamali lang!

Yun daw ang dahilan kaya tinawag ng mga ancient Bicolanos ang bulkan ng Mayon, batay sa pangalan ng maalamat ns princess-heroine na si Daragang Magayon. Ang ibig sabihin nito sa Tagalog ay “magandang dalaga.”

Mas maganda raw ayon kina Peter at Gleann ang view ng Ma­yon Volcano sa Quituinan Hills sa Camalig, Albay. Ayon sa paniniwala ng mga tagaroon, kapag si­nwerte kang makita ang tuktok ng bulkang lagi nang nababalutan ng ulap sa una mong pagpunta, na­ngangahulugang malinis ang iyong puso, o kaya naman ay wala ka pang karanasan sa pakikipagtalik.

Good sign daw ito dahil natuwa sa iyo si Magayon, kaya bibigyan ka niya ng swerte.

Tinatawag rin ang Mayon Volcano na “a beautiful disaster.” Kung bakit — dahil bawat pagputok nito ay kagila-gilalas na ta­nawin.

Ang Mayon Volcano, gaano man kaganda at kaperpekto, ay may mahabang kasaysayan ng mga trahedya.

Hindi bababa sa 50 ulit na itong pumutok, na ikinasawi ng maraming buhay at ikinawasak ng mga tahanan at kabukiran. Isa sa naiwan nitong alaala ay ang Cagsawa Ruins. Ito ang nalabi sa 16th-century Franciscan church, ang Cagsawa church.

Una itong itinayo sa bayan ng Cagsawa noong 1587 ngunit sinunog at winasak ng mga piratang Dutch noong 1636. Muli itong itinayo noong 1724 ni Fr. Francisco Blanco ngunit nawasak muli sa pagsabog ng Mayon Volcano noong February 1, 1814.

Ang unang talang pagputok nito ay sa pagitan ng 2800 at 3400 BCE, na idinukumento ng mga siyentipiko gamit ang radiocarbon dating.

Akalain mo yon? Matanda pa kay Cristo!

Huli naman itong sumabog noon lang February 4, 2024.

Batay sa mga batong nakuha sa paligid, mahi­git nang 20,000 taon ang Mayon Volcano. Actually,  ayon sa kalkulasyon ni Raymundo Punongbayan, Director ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), at kilala sa kanyang exceptional research know­ledge and skills na solusyunan ang mga natural hazards na kaakibat ng pagputok ng bulkan at pagkakaroon ng lindol, tinatayang ang range of age ng Mayon ay sa pagitan ng 14,000 at 52,000 taon. Ang first value ay base sa minimum number ng major eruptions (1730 eruptions) na na-multiply sa maikling panahon ng pananahimik nito (7.9 years).

Sa sa dami ng naitalang pagputok ng Mayon Volcano,  nananatili ang kagandahan ng kanyang kamahalan, Prisesa Daraga Magayon.

JAYZL VILLAFANIA NEBRE