MULING nag-alboroto ang Mayon Volcano sa Albay makaraang makapagtala ng phreatic eruption kahapon.
Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-4:40 nang maganap ang phreatic eruption, Pebrero 4.
Sinabi ni Dr. Paul Alanis, Phivolcs Resident Volcanologist, nagdulot to ng pagbuga ng abo na umabot sa 1,200 meters mula sa crater ng bulkan.
Itinaboy ang abo sa southwest portion ng bulkan partikular na sa bayan ng Daraga, Camalig at Guinobatan area dahil sa umiiral na direksyon ng hangin.
Dagdag pa ni Alanis, asahan na ang ganitong mga aktibidad ng bulkan dahil sa abnormalidad nito na kasalukuyang nasa Alert Level 2.
Diin ni Alanis, kahit walang alert level maaari itong maganap, at walang signs na ipinapakita bago ito mangyari. PM Reportorial Team