MAYOR, 19 IBA PA NAISALBA SA LUMUBOG NA BANGKA

lumubog na bangka

SAMAR – DALAWAMPU  katao kasama ang kasalukuyang mayor ng Almagro sa lalawigan ng Samar ang nailigtas mula sa lumubog na pampasaherong bangka ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatang sakop ng Calbayog City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard na nakabase sa Calbayog, Samar Station, naganap ang pag­lubog bandang alas-3 ng hapon.

Kabilang sa nailigtas ay si Mayor Amelia Cano at ang ilang opisyal ng bayan at kanilang mga pamilya.

Bukod sa nasabing grupo ay may lulan na anim na tripulante ang nasabing passenger banca.

Nabatid na pabalik na sana ng  Almagro ang grupo ni Ma­yor Cano mula sa Calbayog City matapos na dumalo sa isang oath taking ceremony ng ilang opisyal ng lungsod.

Napag-alamang lumubog ang kanilang bangka matapos na hampasin ng malaking alon.

Matapos na makatanggap ng distress call ang PCG ay agad silang naglunsad ng rescue mission kaya’t mabilis silang nailigtas. VERLIN RUIZ

Comments are closed.