MAYOR ABALOS SR. NANUMPA NA

PORMAL na nanumpa kahapon ang bagong alkalde ng Mandaluyong City na si Mayor Benjamin Abalos Sr. na kung saan ay 24 na taon na ring nanungkulan bilang Local chief executive ng lungsod.

Ang nasabing oath taking ay ginanap sa City Hall Complex Barangay Highway Hills na pinangunahan ni inducting officer Supreme Court Associate Justice Rodil Zalameda sa pamamagitan ng livestream dahil nasa isolation at positive sa COVID-19 si Abalos.

“Unfortunately, my health didn’t cooperate for today but I assure you that I am in good health,” ani Abalos.

“With this new role given to me as Mayor (of Mandaluyong), I feel a renewed sense of purpose that I still have a mission. And this mission is what I promised to my late wife on her deathbed – that I will dedicate the remaining years of my life to the people of Mandaluyong,” diin ni Abalos.

Kasabay rin nanumpa sa tungkulin kahapon si Carmelita “Menchie” Abalos bilang Vice Mayor kasama ang asawa nito na si incoming DILG secretary Benhur Abalos.

Samantala, si Supreme Court Associate Justice Ricardo Rosario, ang nag-conduct ng panunumpa sa mga newly-elected councilors gayundin kina Pagtibayin at Palaguin ang Pangkabuhayang Pilipino (4Ps) Partylist Representatives Marcelino Libanan at Jonathan Clement Abalos. ELMA MORALES