MAYOR ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

NAARESTO ng PNP-PRO5 ang incumbent Municipal Mayor ng Juban, Sorsogon dahil sa tatlong kaso ng paglabag sa Anti-trafficking in Person.

Kinilala ni Bicol PNP Chief BGen. Estomo ang nadakip na alkalde na si Antonio Hainto Alindogan , 63-anyos at kasalukuyang naninirahan sa Brgy Tughan, sa Juban.

Ayon kay Estomo, isang law enforcement operation ang ikinasa ng PNP-PRO5 Sorsogon, Juban MPS bilang lead unit katuwang ang 2nd Sorsogon Police Mobile Force Comapany sa pamumuno ni Provincial Director Col Arturo Brual ng Sorsogon PNP Brgy North Poblacion, sa Juban kasunod ng inilatag na intelligence operation.

Nabatid na may kinakaharap ang alkalde na violation of 3 counts of anti-trafficking in persons act of 2003 under SEC 4a in relation to SEC 6a and SEC 6d of RA9208 as amended by RA10364 known as expanded

Anti-trafficking in persons act of 2012 na pakay ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Zach Zaragoza Ziga Presiding Judge ng RTC Family Court Branch 12, 5th Judicial Region, Sorsogon City, Sorsogon, with no bail recommen­ded nitong Enero 20.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sorsogon, Juban Municipal Police Station ang alkalde para sa karagdagang documentation kaugnay sa gagawing pagbabalik ng Warrant of arrest sa nag-isyung korte.
VERLIN RUIZ