MAYOR BALDO ‘DINALAW’ NG MGA POLICE DOCTOR

MAYOR BALDO-3

ALBAY – DINALAW ng mga pulis na doktor mula sa Police Regional Office – 5 si Daraga Mayor Carlwyn Baldo na naka-confine sa University of Sto. Tomas Hospital sa Legazpi City.

Sa larawan, pasado alas-7 ng umaga kahapon ay ipinakitang kinakausap ng mga doctor police si Baldo na nakasuot ng hospital gown, nakamaong pants, nakasuero at oxygen.

Si Baldo ay isinugod sa ospital noong Martes ng gabi makaraang manikip ang dibdib at hindi makahinga nang magsindi ng katol ang kakosa nito sa selda.

Tumaas din umano ang blood pressure ng alkalde at dahil na-confine sa ospital ay naiwasan nito ang inquest proceedings noong Miyerkoles.

Si Baldo na itinuturong utak sa pagpaslang kay Ako Bikol Party­list Congressman Rodel Bato at sa police escort nito noong Disyembre 22, 2018. Dinakip noong madaling araw ng Martes dahil sa illegal possession of firearms habang nakita rin sa compound ng kanyang bahay sa Daraga ang sasakyang ginamit ng mga bumaril sa kongresista. EUNICE C.