MAYOR ALICE GUO
IIMBESTIGAHAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at ang mga kompanya nito.
Sa isang statement, sinabi ng BIR na ipinag-utos ni Commissioner Romeo Lumagui ang pag-iimbestiga sa mga pangalan at kompanya na binanggit sa imbestigasyon ng Senado sa umano’y human trafficking at criminal activities na iniuugnay sa offshore gaming operations, kabilang ang mga umano’y may kaugnayan kay Guo.
“If the income declared with the BIR does not match the value of the properties amassed during the same taxable years, criminal cases for tax evasion will be filed,” ani Lumagui
Sinabi rin ng commissioner na makikipagtulungan ang BIR sa Senate investigation kay Guo.
“I have commanded the whole BIR to cooperate with the Senate and look into the mentioned names of individuals and entities as well as their accumulated wealth. The BIR will fully cooperate with the Senate investigation on Mayor Guo. The BIR will also conduct its own investigation against the said individuals and entities,” ayon kay Lumagui.
“Due process will be followed. If the income declared with the BIR does not match the value of the properties amassed during the same taxable years, criminal cases for tax evasion will be filed. The same charges can be filed against conspirators and the corporate officers of the companies used to amass such wealth,” dagdag pa niya.
Base sa mga dokumentong nakalap ng tanggapan ni Senadora Sen. Risa Hontiveros, chairperson ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, si Guo ay nagmamay-ari ng 16 sasakyan.
Si Guo at ang dalawang iba pa ay sinuspinde ng Office of the Ombudsman ng hanggang anim na buwan kamakailan kaugnay sa kasong graft na inihain ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ayon sa DILG, pinayagan ni Guo ang operasyon ng illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa Bamban.