MAYOR HERBERT BAUTISTA KUSANG NILAYUAN NI KRIS AQUINO

KUNG mayroong isang actor na naging well-loved politician ng bansa na hindi nagbago ni kati­ting angwallface pagmamahal sa pinagmulang industriya, ang showbiz world, isa si Mayor Herbert Bautista ang masasabing pasok na pasok sa kategoryang iyan.

Naging tradisyon na yata ng butihing mayor na magbigay ng kaunting blessings sa mga showbiz reporter para sa mga kanya-kanyang kaarawan. At dahil sa pagiging masang-masa  ni  Mayor Bistek ay naglabas siya ng kanyang libro na “Bistek @ 50 Life in Full Color, The Herbert Bautista Biography”.

Bawat kulay kasi ay naging bahagi ng buhay ni Mayor Bistek, mula sa pagiging isang ordinaryong tao, naging showbiz, at naging politician. Kung napakakulay ng bagong libro ni Mayor Bistek, ganoon din naman ang kanyang buhay pag-ibig. Nang magbigay ng oras ay nagkaroon ng isang masayang ‘patsika si mayor’ at dito rin inamin niya ang naging maikling relasyon nila ni Kris Aquino.

Ani ni Mayor, isa si Kris sa babaeng nag-guide sa kanya noon at sobrang pagrespeto ang ibinigay niya sa actress/host. Nitong naging makontrobersiyal ka­makailan si Kris, inamin din ni Mayor Bistek na mismong si Kris ang nagsabi sa kanya na didistansya na muna ito sa kanya para hindi masangkot o mapasali sa mga intrigang binabato sa kanya at sa pamilya. Kung kaya hindi talaga maiiwasan na sadyang isang matinding respeto ang ibigay ni mayor kay Kristeta.

ALEXANDER LEE MAS NA-MISS ANG HALO-HALO KAYSA KAY HEART EVANGELISTA

ALEXANDER LEENASA bansa ngayon ang Korean leading man ni Heart Evangelista sa te­leseryeng “My Korean Jagiya” na si Alexander Lee.

Sa kanyang pagdating sa bansa ay natanong si Alex kung ano ang naghihintay na mga project sa kanya sa Filipinas. Say  ng actor/singer ay may mga guesting siyang nakatakdang gawin sa Kapuso Network at gagawa raw siya ng isang project na musical. Wala pang masyadong binigay na detalye si Alexander sa mga nag-aantay na mga proyekto niya.

Nang matanong naman si Alexander kung nakara­ting sa kanya ang balitang ‘na­laglagan’ ng kambal ang kanyang kaibigan na si Heart, ani ng Korean actor, nakarating naman daw sa kanya ang balita at pati na rin ang latest development kay Heart, kung kaya nalulungkot daw siya na hindi niya nakita ang kaibigan sa kanyang muling pagtuntong sa Filipinas. Kasalukuyang nasa Paris, France si Heart nang dumating si Alexander para manood ng  isang fashion show. Magkagayunpaman ay masaya rin na ibinalita ni Alexander na bago siya magbalik sa bansa ay nagkita naman sila ng mister ni Heart na si Sen. Chiz Escudero sa Korea at nagkaroon sila ng time na magbalitaan.

Samantala nang matanong si Alexander kung ano ang na-miss niya sa bansa, ang mga pagkain na Pinoy at halo-halo raw ang hinahanap-hanap ni Alexander.

Comments are closed.