MAYOR JOY MAAYOS ANG LAGAY KAHIT MAY COVID-19

NAGPOSITIBO sa CO­VID-19 si Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Ito ang kinumpirma ng alkalde sa kanyang official facebook account ng QC Government sa kanyang mga nasasakupan gayundin sa viber makaraang makumpirma sa kanyang huling CO­VID-19 test.

Sa statement ng alkalde, nagpapasalamat pa rin ito na agad natuklasan ang kanyang tinatag­lay na sakit.

Sa ngayon aniya, maayos ang kanyang kalagayan at walang anumang nararamdamang sintomas.

Idinagdag pa nito na sinusunod nito at sumasailalim sa mahigpit na quarantine protocols ng Department of Health (DoH) kasunod ang pag-sisimula ng QC Epidemiology and Surveillance Unit (QC-ESU) hinggil sa contact tracing procedures.

Isinara rin pansamantala ang Office of the Mayor upang ma-disinfect kasama ang common areas ng buong City Hall.

Sa kabila nito, ipinarating ni Belmonte na inihanda na niya ang kanyang sarili at hindi niya pinagsisisihan ang kanyang mga ginawang pag-dalaw sa mga health center, ospital, special concern lockdown areas at mga komunidad upang alamin ang kanilang mga pangangailangan, sa si­mula pa lang.

Nagpasalamat din si Belmonte sa kanyang mga constituents at asahan aniyang sa kanyang paggaling ay muli siyang makakasama ng mga kababayan upang muling makapag hatid ng serbisyo. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.