MAYOR, KAPATID NA TSERMAN, DATING PULIS INARESTO SA BARIL

BATANGAS- INARESTO ng mga operatiba ng PNP- Criminal Investigation and Detection Group- National Capital Region (CIDG) ang Alkalde ng Mabini, kapatid na tserman at dating pulis dahil sa pag-iingat ng mga hindi lisensiyadong mga baril sa lalawigang ito.

Kinilala ni CIDG Director ang Mayor na si Nilo Villanueva, residente ng Villanueva compound, Sitio Silangan, Barangay Sto.Tomas, Mabini, Batangas.

Isinagawa ang pag- aresto sa alkalde sa bisa ng isang search warrant na inisyu ni Judge Mary Josephine Lazaro ng RTC branch 74 ng Antipolo City dakong alas- 4:30 ng umaga nitong Sabado para sa kampanya ng CIDG sa kanilang flagship project na Oplan Paglalansag Omega.

Bandang ala-5:20 naman ng umaga nang maaresto rin ang kapatid ng alkalde na si Barangay Chairman Bayani Villanueva ng Barangay Sto.Tomas at kasalukuyang ABC President ng nabanggit na bayan.

Nakumpiska mula kay Tserman ang caliber 5.56mm, mga magazine ng baril, live ammunitions, isang hand grenade.

Dinakip din ng CIDG ang isa pang kapatid ni Mayor Villanueva na si ex- policeman Oliver Villanueva, 46-anyos, residente ng Mabini- Bauan Road, Sitio Pook, Barangay Pulong Niogan, Mabini, Batangas.

Naaresto si Oliver sa harap ng Barangay hall ng nabanggit na lugar bandang ala-6 ng umaga.

Nakumpiska ng mga pulis kay Oliver ang isang 5.56 rifle, isang caliber. 45 pistol, magazines , hand grenade at

ammunitions.
Nakatakas naman ang ikatlong kapatid ni Mayor Villanueva na si Ariel Villanueva, residente ng Sitio Kanluran, Barangay Sampaguita, Mabini nang lusubin ng CIDG ang bahay nito dakong ala- 6:30 ng umaga.

Narekober naman sa tahanan nito ang isa rin 5.56mm rifle, magazine at mga bala.

Nasa kustodiya ng CIDG-NCR headquarter ang magkakapatid na Villanueva para sa kaukulang disposisyon. ARMAN CAMBE