TAGUIG CITY – TINAYA na ang panalo ni incumbent Taguig City Mayor Lani Cayetano bilang congresswoman sa 2nd District ng siyudad, ayon sa isurvey ng Pulse Asia kamakailan.
Sa survey mula Enero 20 hanggang 26, 2019, mahigit na 8% ng mga rehistradong botante ang pumili kay Cayetano kumpara sa 11% lamang ni Che Che Gonzales.
Ang mga respondent sa survey ay tinanong kung sino ang kanilang napupusuang iboto bilang representante ng 2nd District ng Taguig para sa May 2019 elections.
Si Mayor Lani ay nagwagi sa mayoralty race noong 2010 kontra Dante Tinga, ama ng dating Mayor Sigfrido “Freddie” Tinga, na nagsilbi bilang alkalde ng Taguig sa tatlong termino.
Noong May 2013, wagi muli si Mayor Lani kontra Rica Tinga, anak naman ni Dante Tinga.
Tatlong taon ang nakalipas ay nagwagi muli si Mayor Lani bilang alkalde ng Taguig dahil walang tumakbong kalaban sa halalan.
Ngayong eleksiyon 2019, makakatunggali ni Cayetano si Che Che Gonzales, isang dating konsehal na tumakbo rin at natalo kay Pia Cayetano noong 2016 para sa Taguig 2nd district ng Kongreso.
Isang petition ang isinampa upang ma-disqualify si Pia Cayetano noong 2016 elections dahil umano sa kakulangan ng taon ng residency sa distrito. Isa ring petition dahil sa kakulangan umano ng taon ng residency ang isinampa para ma-disqualify si Lino Cayetano noong 2013 nang tumakbo ito sa parehong posisyon. Ang dalawang petition na ito ay parehong na-dismiss na ng Comelec.
Katulad na disqualification case din para sa May 2019 elections ang isinampa laban kay Mayor Lani. Masusi pa ring dinidinig ng Comelec ang petition na ito. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.