BENGUET-NAMATAY ang 61-anyos na Mayor ng Kabayan na nagpositibo sa COVID-19 matapos itong atakihin sa puso habang naka-confine sa ospital noong Linggo.
Sa inisyal na ulat, lumilitaw na dalawang beses nagpa- swab test si Kabayan Mayor Faustino Aquisan bago pa ito atakihin sa puso kung saan lumabas ang resulta na positibo ito sa COVID-19.
Sa Mismong sa Notre dame de Chartres Hospital namatay si Mayor Aquisan noong Linggo ng hapon at kaagad na isinailalim sa cremation at nasa Philippine Episcopal Church’s Cathedral of the Resurrection sa nasabing bayan.
Ihahatid ang mga abo ni Mayor Aquisan sa kanyang hometown sa Kabayan matapos ang interment rites sa kanilang bahay sa Brgy. Cruz, bayan ng La Trinidad, Benguet.
Pinayuhan naman ang mga naka-close contact ng alkalde noong Marso 6 hanggang Marso 19 na sumailalim sa mandatory home quarantine habang hinihintay ang rekomendasyon ng Contact Tracing Team, Patient Management and Monitoring Team at Diagnostic Team.
Si Mayor Aquisan nagsilbing alkalde sa bayan ng Kabayan sa loob ng tatlong termino bago kumandidatong Benguet Congressman noong 2016 kung saan ito natalo.
Muling kumandidato sa mayoralty race noong 2019 sa bayan ng Kabayan at nanalo. MHAR BASCO
292805 734934I genuinely got into this article. I discovered it to be fascinating and loaded with unique points of interest. I like to read material that makes me believe. Thank you for writing this excellent content material. 272912