MAYOR NG INFANTA INAMBUS

QUEZON-SU­GATANG isinugod sa Claro M. Recto District Hospital ang alkalde ng bayan ng Infanta sa lalawigang ito kahapon ng tanghali matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunmen.

Kinilala ang biktima na si Infanta Mayor Filipina Grace Ruanto America, dalaga, nasa hustong edad at residente ng Poblacion 38 naturang bayan.

na may pulang plaka na SAA-1670 ang Mayora na minamaneho naman ni Alvin America nang biglang sumulpot sa may panulukan ng Rizal St. Poblacion 1 ang mga suspek at walang habas na pinagbabaril ang naturang sasakyan ng biktima na nagresulta ng pagkakasugat nito sa braso at sa iba pang bahagi ng katawan.

Nabatid na ililipat ang alkalde sa isang ospital sa Metro Manila para matiyak ang kaligtasan nito.

Sa ulat ng pulisya, nanggaling umano sa simbahan ang biktima at papauwi na sa kanyang tahanan nang abangan at tambangan ng mga suspek.

Gayunpaman, bukod kay America ay wala ng ibang nasugatan sa pamamaril.

Nakarekober ang mga awtoridad sa lugar ng pinangyarihan ng dalawang basyo ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril at anim na empty shell.

Patuloy pa ang isinasagawang malalimang imbes­tigasyon sa insidente ng pamamaril ng Infanta PNP sa pamumuno ni Maj. Aldrin Garcia kung may kinalaman ito sa pulitika ngayong nalalapit na 2022 eleksyon at sa posibleng pagkakakilanlan ng tumakas na mga salarin at kung ano ang totoong motibo ng tangkang pagpatay sa punong bayan. BONG RIVERA